Umamin sa nakaraan nila… RESBAK NI JULIE ANNE KAY ALDEN: PAST IS PAST, 'WAG NANG PAG-USAPAN
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 30, 2023

Maraming nagulat sa rebelasyon ni Alden Richards nang mag-guest sa programang Fast Talk with Boy Abunda.
Inamin niya ang naudlot na relasyon nila ng Limitless Star na si Julie Anne San Jose, ganoon din ang panliligaw niya kay Winwyn Marquez na hindi rin natuloy.
Alam ng publiko kung bakit hindi maamin noon sa publiko ni Alden ang closeness niya sa mga Kapuso actresses na sina Julie Anne at Winwyn. Committed si Alden sa tambalan nila ni Maine Mendoza, ang AlDub.
Hindi puwedeng umeksena at maugnay sa buhay ni Alden sina Winwyn at Julie. Tiyak na magpoprotesta ang libu-libong AlDub fans at aawayin-guguluhin sina Julie Anne at Winwyn.
Kaya, pinili na lang ni Alden na i-let go ang mga babaeng tunay niyang minahal para na rin sa kanyang career.
Ganunpaman, humingi na si Alden ng tawad kay Julie Anne na labis niyang nasaktan.
Pitong taon na iniwasan at hindi kinausap ni Julie si Alden at may post nga ang aktres sa social media na:
"Hindi ko deserve na ako ay saktan."
May pahayag din ang kampo ng Limitless Star na “Ang lahat ay bahagi na lang ng nakaraan.
Huwag nang pag-usapan."
Si Winwyn naman, may nakakaintrigang post din na tatlong bagay lang daw ang mahalaga, "It's how much you love… How gently you live... and learning to let go of things thar are not meant for you!”
Sagot kaya niya ito sa big reveal ni Alden?
Nang umentra si Alden Richards sa buhay ni Winwyn ay kabe-break lang nila ni Mark Herras at ayaw na muna niyang pumasok sa bagong relasyon kaya hindi rin sila nagkatuluyan.





Comments