Umamin sa matinding depresyon… JAMES, NAWALAN NG P150 M DAHIL SA TIWALA SA KASOSYO SA NEGOSYO
- BULGAR

- 3 hours ago
- 2 min read
ni RJ Matociiños (OJT) @Run Wild | July 29, 2026

Photo: IG _james
Naging emosyonal at bukas ang puso ng actor-singer na si James Reid sa madamdaming panayam sa kanya ng OPM icon na si Gary Valenciano sa Unshaken vlog nito sa YouTube (YT), kung saan inilabas nito ang pinagdaanang matinding depresyon, naging buhay sa showbiz, at ang nakapanlulumong P150 million na nawala sa kanyang negosyo.
"ISSA WOKE ME UP TO ALL OF IT!" pahayag ni James sa naturang panayam.
Inamin ni James na halos lahat ng pinagpaguran at naipon niya sa loob ng sampung taon sa industriya ay pikit-matang nawala dahil sa sobrang pagtitiwala sa kanyang dating business partner.
“I lost P150 million. It’s what I had lost throughout that whole process. That was like the last 10 years of work that I’ve done... It was heavy. I really got tricked into this crazy situation where he had a little bit too much control over what I would spend on and there was a little bit too much trust there," pag-amin ng aktor.
Ayon pa kay James, kahit marami nang nagbabala sa kanya ay ayaw niyang maniwala dahil sa matinding tiwala at pagkakaibigan.
Sa gitna ng dilim at pagsubok na ito, ang kanyang GF na si Issa Pressman ang naging ilaw niya at nagpadilat ng kanyang mga mata.
“It was Issa actually that woke me up to all of it. She’s the one that really had to like to shake me. Issa was such a huge part of that whole experience... but while this was happening, this was the time that me and Issa started dating, so something even more beautiful happened at the same time,” dagdag pa ni James.
Agad namang inulan ng suporta si James Reid mula sa mga tagasubaybay:
“This is one of my favorite episodes. I love how the conversations just flowed along, and they really went deep and raw without getting too heavy.”
“This is literally the other side or the real side of James Reid, ladies and gentleman.”
“Lalim talaga ni James. Thanks for this in depth interview, Sir Gary.”
May kani-kanyang gusto, nagkahiwalay din…
MICHAEL, INAMIN ANG NANGYARI SA KANILA NI CASSY
NAGSALITA na ang Sparkle actor na si Michael Sager kaugnay ng tunay na naganap sa pagitan nila ng Kapuso actress na si Cassy Legaspi.
Sa isang panayam, ibinunyag nitong nagkaroon sila ng espesyal na nakaraan ngunit nagdesisyong mag-focus muna sa kani-kanilang karera.
Nilinaw ni Michael na hindi naman ‘naudlot’ ang mayroon sila noon, kundi sadyang nagbago lamang ang panahon at prayoridad nilang dalawa.
“‘Di ko naman masasabing naudlot. Siguro, the times have changed lang and it comes to a level of personal na a bit of something that we just decide on ourselves,” pahayag ng aktor.
Idinagdag pa nitong pareho pa silang bata at nakatutok ngayon sa kani-kanilang showbiz career.
“And ganu’n talaga, we’re both… She’s also very young. I’m still also young focusing on career and I’m just happy that we had good memories together,” paliwanag ng Kapuso actor.

%20-%20JAMES%2C%20NAWALAN%20NG%20P150%20M%20DAHIL%20SA%20TIWALA%20SA%20KASOSYO%20SA%20NEGOSYO-IG%20_.jpg)



Comments