top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Umamin kay Korina… REY, NAPAGKAMALANG RAPIST AT MAGNANAKAW, NAGTAGO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 11, 2023
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | April 11, 2023




Masaya ang interview ni Korina Sanchez kay Rey Valera na umere last Sunday sa Net25 at may mga naikuwento si Rey na ru'n lang nalaman, tulad ng mga pinagdaanan niya na sa tuwing binabalikan niya ang mga ito ay natatawa na lang siya.


"Minsan kong iniwan ang karera ko nang maraming taon kahit napaka-successful ko na noon dahil sa isang impostor na nagpanggap na siya si Rey Valera. Napagkamalan akong magnanakaw, rapist at kriminal, kaya kinailangan ko munang mawala," lahad ni Rey kay Korina na nagulat sa narinig.


Ang nangyaring ito sa kanyang buhay ay kasama at mapapanood sa biopic niyang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera).


Kung paano siya nakabalik sa kanyang career, malalaman ninyo kapag pinanood ang nasabing pelikula ng Saranggola Media na entry sa 1st Summer Metro Manila Film Festival sa direction ni Joven Tan.


May mga nangyari sa buhay ni Rey na sabi nito, ikinuwento niya kay Direk Joven, pero hindi na isinama sa movie.


Isa na rito ang naudlot na relasyon nila ng isang aktres na kung bakit hindi natuloy ay ayaw nang ikuwento pa ni Rey.


Hindi rin ito nagbigay ng mga clues sa identity ng aktres bilang respeto na rin siguro dahil matagal naman nang nangyari 'yun.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page