Ukraine, gustong mapasama sa NATO
- BULGAR

- Jul 13, 2023
- 1 min read
ni Jenny Rose Albason @World News | July 13, 2023

Patuloy na hinihikayat ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy ang mga bansa na gawin silang miyembro ng North Atlantic Treaty Organization (NATO).
Sa kanyang talumpati sa Vilnius, Lithuania kung saan gaganapin ang pagpupulong ng NATO, binanggit nito ang kahalagahan ng NATO sa kanila.
Ang NATO umano ang magpapalakas sa kanilang bansa.
Huwag na umanong magsayang ng panahon ang NATO at gawin na agad silang miyembro. Ayon sa NATO, makakatanggap lamang ng membership invitation ang Ukraine kapag pumayag na ang mga kaalyadong bansa at kapag naabot ang mga kondisyon na kakailanganin.
Bukod dito, kapag nagpasya rin umano ang mga bansa na tanggalin ang requirement of membership action plan sa Kyiv.
Ang nabanggit na hakbang ay magpapabago umano sa membership path na kung dati ay two-step process, ngayon ay magiging one-step process na lamang.





Comments