UGALI NI KIKO, DAHILAN NG HIWALAYAN NILA NI SHARON
ni Julie Bonifacio @Winner | January 29, 2023

Ibinulgar ni Megastar Sharon Cuneta ang isa sa mga dahilan ng tampuhan nila ng mister na si dating Senador Francis “Kiko” Pangilinan during her post-birthday celebration sa Magandang Buhay this week.
Isang sulat na naglalaman ng mga madamdaming mensahe para kay Sharon ang iniabot ng isa sa mga hosts ng Magandang Buhay na si Melai Cantiveros kay Megastar.
Sinabi ni Kiko that his life would be meaningless and empty without Sharon. Thankful din daw si Kiko sa lahat ng sakripisyo ni Mega sa kanya.
“'Yan ‘yung sinabi niya halos nu’ng nagbalikan kami, nu’ng natapos na ‘yung LQ. Sabi niya, 'I wouldn’t know what to do without you.' Kaya sabi ko, ‘Hindi ko iiwan ‘to. Hayaan mo na,'” kinikilig na sabi ni Sharon sa mga momshies ng Magandang Buhay.
Sa bandang huli ng sulat ay inamin ni Kiko ang pagiging masungit niya minsan.
Sulat ni Kiko, “I am sorry too for at times my sungit ways and I promise to work on being kinder and more loving to you and to our children. Love truly conquers all.”
Natatawang tsinika ni Sharon si Momshie Regine Velasquez sa pagkumpirma ng pagiging masungit ni Kiko.
“Alam niya at alam din niya ang sacrifices ko. Pero honestly, I’m very blessed that Kiko is my husband kasi wala akong sakit ng ulo,” diin ni Mega.
Samantala, natanong din si Mega ng momshies ng Magandang Buhay tungkol sa anak niyang si KC Concepcion.
Aminado si Sharon na magkaibang-magkaiba sila ni KC. Although, pinagbubuklod naman daw sila ng pag-ibig nila sa isa’t isa.
“There are a lot of things na she and her papa are very much alike. Pero anak ko ito, eh. Bali-baligtarin man ang mundo, isa lang ang nanay mo at siya lang ang panganay ko,” saad niya.
Proud si Mega na namana ni KC ang ugali niya sa pagbibigay-halaga sa trabaho.
“That’s why she knows how to work. She’s a hard worker and I’m proud of that. ‘Yun ang naipamana ko, na you don’t need a man in order to survive, pero I’m still praying, siyempre. I want her to find true love,” dasal ni Sharon para kay KC.





Comments