UGALI NI HEART, 'DI NA RAW MASIKMURA NG GLAM TEAM, NILAYASAN
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 27, 2023

It’s a tie between Heart Evangelista at Anne Curtis na inokray ng mga netizens dahil sa mga gowns na isinuot nila during the GMA Gala Night na ginanap sa Manila Marriot Hotel, Pasay City kamakailan.
Si Anne ay inihambing sa lumpiang sariwa, habang si Heart naman, base sa mga nabasa naming komento sa mga vlogs, ay parang papel sa gown niya at sirenang may paa.
Pero, pagpasok naman ni Heart sa ballroom ng nasabing hotel ay head-turner siya sa suot niyang Maison Schiaparelli dress na Italian luxury brand for Spring-Summer 2023 collection.
Nabanggit na ni Heart sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk na isa ito sa mga paborito niyang luxury brands, na noo’y suot din niya ang Bulgari Serpenti Viper necklace.
Anyway, may mga nagpadala sa amin na nagbago na ng glam team si Heart at hindi na ito ‘yung mga dati niyang nakakasama kapag nasa Paris, France siya para sa fashion week. At ang pagbabago umano sa ugali ng wifey ni Senator Chiz Escudero ang itinuturong dahilan.
Sumakto naman dahil isa si Heart sa mga naging paksa nina Ogie Diaz at Mama Loi sa nakaraang Showbiz Update vlog nila nitong Martes nang hapon kasama si Tita Jegs — na nakita nila nang dumalo sila sa GMA Gala Night, pero hindi nila nakita ang sikat na fashion icon.
“Si Heart, hindi ko nakita, inaabangan ko pa naman,” bungad ni Mama Loi.
“Ano’ng isyu kay Heart? Nilayasan na ng glam team?” sabi naman ni Ogie.
“‘Yung kanyang dating glam team na sina Jecka at Justin, parang hindi na nakikita ngayon.
Parang iba na ‘yung nagme-makeup, tsaka naghe-hair kay Heart. So, tinatanong ng mga tao kung nasaan na ang dating glam team. Eh, ‘yun ‘yung lagi niyang kasama sa lahat. ‘Di ba noong exclusive na mga party niya, mga intimate, nandoon din ‘yung dalawa, tapos ngayon, wala,” say ni Mama Loi.
Hirit ni Ogie, “Parang hindi na nila kinaya ‘yung behavior or attitude ni Heart. ‘Yan ang nabalitaan ko. Eh, hindi naman natin alam, kasi hindi naman natin nakakausap si Heart at hindi ko rin nakita. Kaya gaano kaya katotoo na nag-aklasan ang glam team kasi hindi na kinakaya si Heart?”
“Huh? Parang hindi naman ako naniniwala,” kaswal na sabi ni Mama Loi.
Mabilis na sabi ni Ogie, “Eh, di wag! Madali akong kausap. Ano ba ‘yung working attitude ni Heart?”
“Morning person siya, ‘Nay, eh. Alam mo ‘yung mga endorsements niya, mga pictorials niya, minsan, 4 AM ‘yung call time. Kasi gusto niya, tapos na nang maaga, mga before lunch, finish na siya,” paglalarawan ni Mama Loi tungkol sa working attitude ng sikat na influencer.
“Ohh, hindi naman siguro ‘yun ang dahilan, kasi hindi naman araw-araw may endorsement shoot,” katwiran ni Ogie.
“Tapos, may Paris Fashion week sila, ganu’n din, madilim pa rin, nagsisimula na sila,” sabi ulit ni Mama Loi.
“So, maagang natutulog si Heart?” tanong ni Ogie.
Dagdag pa, “Kaya pala hindi nanganganak ang edad ni Heart, lalo siyang gumaganda. Pero ‘yun nga ba ang dahilan? May mas malalim pa raw na dahilan. ‘Yan ang dapat nating matuklasan at dapat nating malaman, kasi mahirap naman kung idya-judge natin, kaya dapat nating malaman ang dahilan.”
Say naman ni Mama Loi na nu’ng nakaraang taon ay nawala rin ang stylist ni Heart na si Kat Cruz at sinabi naman ni Ogie na kilala niya ito.
Anyway, bukas ang BULGAR sa panig ni Heart tungkol sa isyu ng glam team niya.





Comments