top of page
Search
  • BULGAR

UFC: Adesanya, nanatili sa middleweight; Blachowicz, sa new light heavyweight

ni Gerard Arce - @Sports | September 29, 2020




Dalawang kampeonato ang pinag-agawan sa pinaka-aabangang araw ng bakbakan sa gitna ng nararanasang pandemya sa pandaigdigang pampalakasan – isang napanatili, habang isa’y panimula – na ginanap sa Gitnang Silangan ng Asya.


Pinatunayan ni Nigerian-Kiwi Israel “The Last Stylebender” Adesanya na wala pa ring tatalo sa kanyang istilo sa pakikipaglaban nang panatilihin niya ang pagiging undisputed UFC Middleweight champion sa pamamagitan ng 2nd round knockout victory kay challenger Paolo Costa ng Brazil sa main event ng UFC 253, Linggo ng umaga sa Yas Island sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.


Isinuot naman ng bagong hari ng light-heavyweight division na si Jan Blachowicz ng Poland ang korona ng pabagsakin nito si No.1 ranked Dominick Reyes sa pamamagitan ng impresibong 2nd round knockout win sa co-main event na napanood sa ESPN 2.


Isang eksaktong kaliwang suntok sa sentido ang ipinatama ng 31-anyos na Nigerian-born, New Zealand-raised fighter sa Brazilian fighter upang mapabagsak ito sa sahig na sinundan ng walang habas na ground-and-pound na atake upang mapagdesisyunan ni referee Jason Herzog sa 3:59 ng round two na awatin na ang laban.


I would like to remind the world the we’re the best. Anderson Silva lived a great legacy and I said I want to do service to the middleweight division and that’s hard act to follow but, we’re doing the work 100%,” pahayag ni Adesanya matapos ang laban. “I already DM Jarred Cannonier, he’s a hell of a dude, I love he’s energy, if you destroy Robert Whittaker and your next, he’s the one I want to fight next, he deserves it, if he beats [Whittaker], handedly and dominates him, he’s next,” dagdag nito.


Nagawang balikuin ni Blachowicz ang ilong ni Reyes ng tamaan ito ng right straight na sinundan ng kaliwang suntok na nagpagewang sa Mexican American hanggang mitumba hanggang mabigyan ng pagkakataon na umariba ng suntok at ipahinto ni referee Kevin Sataki sa4:36 ng round two.


Ang 37-anyos na Cieszyn, Poland-native ang ikalawang purong Polish fighter ang nagwagi ng UFC title na unang kinuha ni dating women’s strawweight champion Joanna Jedrzejczyk. “Jon Jones where are you” wika ni Blachowicz. “All that’s on my mind is, I’m here I’m waiting for you. This is nothing new for me. 37 years old, lots of fights, this is fun.”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page