top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

UCFC, naka-unang panalo; FEU at UP umiskor sa PFF Women's Cup

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 8, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 8, 2022



Naukit ng defending champion United City FC ang 1-0 tagumpay sa bisitang Stallion Laguna FC at makamit ang pinakaunang panalo sa kanilang bagong tahanan na New Clark City Stadium sa pagpapatuloy ng 2022-2023 Philippines Football League (PFL) hatid ng Qatar Airways noong Sabado. Hindi nagpahuli ang Azkals Development Team at naitala ang 3-1 tagumpay sa Mendiola FC 1991 sa Imus Grandstand noong Linggo.


Sapat ang maagang goal ni Kenshiro Daniels sa ika-19 minuto para sa United City.


Nahanap ni Hikaru Minegishi ang walang bantay na si Daniels na agad nagbigay ng malakas na sipa na hindi naharang ni Stallion goalkeeper Hayeson Pepito.


Nanatiling numero uno ang Kaya FC Iloilo na may 27 puntos subalit lumapit na ang United City na may 24 puntos. Pangatlo pa rin ang Dynamic Herb Cebu (21) at sinusundan ng Stallion (15), Azkals (12), Mendiola (3) at Maharlika Manila FC (1).



Samantala, nagsimula na rin ang 2022 PFF Women’s Cup noong weekend sa PFF National Training Center sa Carmona, Cavite. Sa unang laro ay dinurog ng University of the Philippines ang Azzuri, 8-0, at sinundan ng 2-0 paggulat ng Far Eastern University sa Kaya FC Iloilo. Sa ibang mga laro, sumama sa mga maagang nanalo ang Ateneo de Manila University laban sa Stallion Laguna FC, 4-1.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page