top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

UCBL, hindi lang UAAP at NCAA, babantayan ang kalusugan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 10, 2020
  • 2 min read

ni Anthony Servinio - @Sports | September 10, 2020




Nagalak ang mga liga ng kolehiyo matapos ihayag noong isang araw na papayagang muli mag-ensayo ang kanilang mga atletang mag-aaral. Magbubuo muna ng isang Technical Working Group at ang kanilang mga mabubuong patakaran ay ibabahagi sa mas malaking grupo na may kinatawan ang lahat ng mga liga sa loob ng susunod na dalawa o tatlong linggo.


Maliban sa dalawang higanteng liga ng NCAA at UAAP, binabantayan ang mga pangyayari ng mga liga gaya ng Universities and Colleges Basketball League (UCBL). Nais din ng UCBL na mairaos ang kanilang ika-limang taon sa kasalukuyang academic year.


Inamin ng Presidente ng UCBL na si Franklin Evidente na nag-usap agad silang mga opisyal ng liga matapos ihayag noong Lunes ang desisyon. Subalit marami silang tanong na maaaring masagot oras na mabalangkas ng TWG ang mga patakaran sa kalusugan lalo na sa pagbalik ng ensayo upang maiwasan na magkahawahan sa COVID-19.


Pangunahin sa binabalak ng UCBL ang pagpapatupad ng swab test para sa lahat bago payagan mag-ensayo. Tinitingnan din kung ilang beses susuriin ang isang indibidwal dahil hindi biro ang halaga ng isang pagsusuri na umaabot hanggang P3,000. “Nasa mga paaralan na ang huling desisyon kung papayagan nila mag-ensayo ang kanilang mga mag-aaral,” wika ni Evidente sa panayam sa BULGAR Sports. “Hindi natin sila masisi at ayaw nilang sumugal at magkahawahan.”


Matagumpay na tinapos ng UCBL ang kanilang ika-apat na taon noong nakaraang Nobyembre kung saan nakamit ng Diliman College Blue Dragons ang kanilang ikalawang sunod na kampeonato. Ang iba pang kasapi ng UCBL ay ang Centro Escolar University, Technological Institute of the Philippines, National College of Business and Arts, Philippine Christian University-Dasmarinas, Lyceum of the Philippines University-Batangas at University of Batangas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page