top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

U.S., nakipagbati na sa Iraq, oks ‘yan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 10, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | March 10, 2021



Muling nag-a-alboroto ang Bulkang Taal.


Huh, pati bulkan may “bagong variant”?


◘◘◘


Sinimulan na ang pagtuturok ng bakuna ng AstraZeneca kasabay ng Sinovac ng China.


Europe kontra China!


◘◘◘


Sa Abril at Mayo pa darating ang Pfizer at Moderna vaccine ng US.


Naiwanan sila sa pansitan!


◘◘◘


Inaasahang ang pagdagsa ng COVID vaccine sa kalahatian ng 2021—diretso ‘yan hanggang 2022.


Hindi na puwedeng paluwagin pa ang lockdown.


Baka mag-Peoples Power na ang mga “bakasyunista”!


◘◘◘


Umaapaw na ang kapasidad ng mga resort sa buong bansa.


Pero ang kapasidad ay 50 porsiyento lang!


◘◘◘


Aktuwal na dinalaw ni Pope Francis ang Iraq—ang sibilisasyon ng sinaunang Mesopotamia.


Malaki ang kanyang indulhensiya rito!


◘◘◘


Inaareglo na ng US ang Iran.


Mabuti naman!


◘◘◘


40 percent ng populasyon ng Israel ay nabakunahan na.


Naiinggit ang mga Kano at taga-Europe.


Sa Pilipinas, wala pang “tuldok” pa lang—kalahati ng tuldok!


◘◘◘


Kaarawan ngayon ng ating dating boss at mentor na si National Artist Virgilio “Rio Alma” Almario.


Siya ang “buhay” na Gat. Francisco “Balagtas” Bulacan sa ating panahon.


Tubong San Miguel, Bulacan si Rio Alma, batikang Makata, Dyornalist, titser, awtor at dakilang Paham.


Happpy beerdeyt, Bossing!


◘◘◘


Halos 20,000 ang aplikante sa pagiging pulis.


Marami ang gustong yumaman nang nakatayo lang!


◘◘◘


Umaarya na ang kampanyahan sa 2022.


Isa ‘yan sa motibo sa serye ng mga pagpatay gamit ang anggulo ng droga!


◘◘◘


May bagyo at umuulan kahit dry season na sa Luzon.


Kahit ang klima ay erratic na rin.


Baka na-COVID din?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page