top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

U.S. at Chinese government, baon din sa utang!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 10, 2021
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | July 10, 2021



May third party daw sa hiwalayang ‘Kyle-Aljur’.


Wala akong kinalaman d’yan, ha?!


◘◘◘


KULELAT ang ‘Pinas sa mga bansang may matibay na depensa kontra COVID.


Tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


HIHIGIT pa sa P11 trilyon ang utang ng Pilipinas.


May 10 buwan pa para madagdagan ‘yan!


◘◘◘


ALIN ba ang mas mainam?


‘Yung may napapautang sa ‘yo o ‘yung ayaw ka nang pautangin pa?


◘◘◘


KAHIT ang U.S. at Chinese government ay baon sa utang.


Hindi ito alam ng ordinaryong tao!


◘◘◘


SINA Lucio Tan at Henry Sy na pinakamayaman sa Pilipinas ay santambak ang utang ng kanilang korporasyon.


Hindi ang dami ng utang ang panukat sa pagdarahop, bagkus ay ang kakayahang magbayad sa due date!


◘◘◘


KUNG walang uutang, magsisilayas sa Pilipinas ang libu-libong Bumbay.


Kapag walang mangungutang, magsasarado ang mga bangko!


◘◘◘


HINDI pa ipinaglilihi, may utang na sa nanay at tatay mo.


Utang na!


◘◘◘


BAWAL ang manonood sa Tokyo Olympics.


‘Yung atleta, sila rin ang mga taga-cheer!


◘◘◘


MAHALAGA ay natuloy ang Olympic Games.


At isa itong paghamon.


Isang pilas sa kasaysayan na hindi malilimutan ng lahat!


◘◘◘


KUMPETISYON ang Olympic spirit.


Hindi ang miron!


◘◘◘


PUWEDE raw ikombinasyon ang AstraZeneca at Pfizer vaccines kontra COVID.


Bagong modus ‘yan!


◘◘◘


NASA black market na ang COVID vaccines.


Huh, eh, bakit?


◘◘◘


PUWEDE na raw maglaro ang mga bata sa labas ng bahay.


Ngek, matagal nang gumagala ang mga ‘yan—napatay na nga ang isa sa Laguna, eh!


◘◘◘


NAGKASUNDO sina JV at Jinggoy na “isang Estrada” lang ang kakandidato sa Senado.


Hindi ba puwedeng isang “Estrada” at isang “Ejercito”?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page