top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Type makasama sa kama… JANELLE, GAME GAWIN LAHAT NG POSISYON PARA KAY DEREK

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 6, 2022
3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | October 6, 2022



Nagulat kami sa revelations ng mga dumalong cast ng Vivamax series na AN/NA sa pangunguna ni Miss Philippines Earth 2019 Janelle Tee, Guji Lorenzana and Migs Almendras tungkol sa mga pantasya nilang taga-showbiz sa ginanap na virtual mediacon ng Viva Films nitong Martes nang hapon.


May kinalaman kasi sa pagiging p*kpok o sex service ang AN/NA na isinulat at idinirek ni Jose Javier Reyes na kasalukuyang umeere sa Vivamax.


Natanong sina Janelle, Guji at Migs na halimbawang hindi sila mga artista at tunay silang nagbibigay ng aliw ay sino'ng celebrities ang gusto nilang serbisyuhan at anong klaseng sexual pleasure ito.


“Sino ba ‘yung malakas mag-tip?” birong sabi ni Migs.


Tuloy ng aktor, “Noon pa, gusto kong pagserbisyuhan si Jennylyn (Mercado), si Heart (Evangelista-Escudero). Gandang-ganda ako sa kanila, gusto ko silang pagserbisyuhan.


Huwag n’yo ‘tong isusulat, ha, kasi gusto ko pa silang makatrabaho.”


Halos mawala na sa Zoom camera si Migs dahil hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang tanong lalo’t mga kilalang personalidad pa ang nabanggit niya.


Ano'ng klaseng sexual pleasure ang ibibigay ni Migs?


“Siyempre, kung ano ang gusto, ibibigay ko. Lahat ibibigay ko, 'di ba, ganu’n ang trabaho ng isang escort, you have to make your client happy.”


Sa tanong kung magpapabayad siya sa sex service niya, “Hindi na, libre ko na! Ha, ha, ha!”


Hirit naman ni Guji kay Migs, "Ano'ng specialty mo?"


“Specialty ko? Mambutas ng batok, okay na tayo ru’n?” natawang sagot ng binata.


Sino naman ang gustong serbisyuhan ni Guji?


“Ako kasi, ultimate crush ko talaga si Heart, eh. So, siya ang pinaka-number one sa akin.


Although I’m friends with her naman, so, I don’t think it will happen, pero si Heart talaga.


“Sexual pleasure na ibibigay ko kay Heart? Magaling akong mag-beat box, so imagine n’yo na lang kung ano ang kaya kong gawin,” natawang sagot ni Guji.


Palaisipan naman ang sinabi ni Direk Joey kung sino ang gusto niyang bigyan ng sexual pleasure na depende raw sa age at alphabetical order.


“Kaya lang, baka magalit sa akin si Julia,” sambit ng direktor.


Kaya muling tinanong si Direk Joey kung Gerald Anderson o Coco Martin ba ang type niya.


“Sabi ko nga, alphabetical order,” sambit nito.


Sa madaling salita, si Coco ito at si Julia Montes ang tinutukoy na diumano’y karelasyon niya.


Ano ang gagawin ni Direk Joey?


Tumatawang sagot nito, “Tingin ka sa mata ko, magaling ako, magaling ako! Kung ako ay itinangi bilang manunulat at direktor, walang binatbat ang mga talentong ‘yun sa talentong alam lamang ng ilan.”


Last but not the least ay ang leading lady na si Janelle, “Ultimate crush ko kasi sina John Lloyd Cruz at Derek Ramsay, ha, ha, ha! Hindi nakuntento sa isa. Si Derek kasi, 'di ba, ang hot niya sa mga movies, so, lahat ng gusto nila ay gagawin ko. Lahat ng posisyon, gagawin namin kung gusto nila at siyempre, lahat din ng gusto ko, gagawin din nila. Ganu’n naman, 'di ba?”


Ano naman ang isusuot niya kapag seserbisyuhan niya sina Derek at John Lloyd?


“May suot pa ba? 'Di ba, wala na? Dapat wala nang suot. May foreplay, tapos ang ending, wala nang suot,” tumatawang sabi ng ex-beauty queen.


Anyway, nagsimulang umere ang AN/NA series noong Setyembre 25 at sa natitirang last two episodes nito na mapapanood sa Vivamax ay dapat daw abangan, sabi ng tatlong bida kasama na si Direk Joey.

Si Anna ay isang simpleng empleyado kung saan iba’t ibang produkto ang ibinebenta, hindi nga lang sapat ang kinikita nito. Tumutulong siya sa pamilya ngunit hindi nakababayad nang tama sa kanyang upa. Mapipilitan siyang maghanap ng “easy money” at ito ay ang pagpasok sa prostitusyon.


Kasama rin sa series sina Rob Guinto, Greg Hawkins, Fabio Ide, Rolando Inocencio, Micaella Raz, CJ Jaravata, Axel Torres, Azi Acosta at Clara del Rosario.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page