Twinning ang suot na jacket at cap… COCO AT JULIA, DINALAW ANG PUNTOD NINA FPJ AT SUSAN
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 22, 2022

Magkasamang dinalaw nina Coco Martin at Julia Montes ang puntod ng mag-asawang Fernando Poe, Jr. at Susan Roces last Saturday (Aug. 20) bilang pag-alala sa kaarawan ni Da King.
Makikita sa cocomartin_ph Instagram page ang mga larawan at video ng pagbisita ng CocoJuls sa puntod nina FPJ at Tita Susan.
“Maligayang Kaarawan, Da King! Mananatili kang inspirasyon, mula noon hanggang ngayon.
Ang iyong alaala ay habambuhay na nagdadala ng pag-asa sa bawat Pilipino at mananatili itong buhay sa aming lahat. Saludo kami sa iyo, nag-iisang, Da King!” ang caption ni Coco.
Makikita sa larawan na nagsindi ng kandila si Coco para sa yumaong mag-asawa na labis niyang inirerespeto at iniidolo.
Sa video ay makikita na hinaplos pa ni Coco ang larawan ng mag-asawa.
In another post ay pinasalamatan din ng aktor sina FPJ at Tita Susan.
“Maraming-maraming salamat po, FPJ at Lola Susan! Mahal na mahal ko po kayo!” caption ni Coco.
Kapansin-pansin din ang twinning outfits nina Julia and Coco na all black with a hoodie jacket and cap kaya naman kilig na kilig na naman ang CocoJuls fans.





Comments