top of page

TVJ, NAG-IYAKAN SA UNANG ARAW NG SHOW SA TV5

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 2, 2023
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 2, 2023




Napanood na nga kahapon (July 1) ang inaabangang pilot live telecast ng noontime show nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon (TVJ) at mga legit Dabarkads sa TV5.


Maaga pa lang ay napakarami nang nag-aabang sa pagbabalik ng noontime show ng tatlong veteran hosts sa ere, base sa mga nababasa naming komento sa social media gamit ang mga hashtags na, “#IsangLibotIsangTuwa” at “#TVJSaTV5”.


Ipinakita rin sa telebisyon ang dami ng mga supporters na nag-aabang sa labas ng Studio5 sa Reliance sa may Mandaluyong.


In fairness, ang bongga rin naman ng ibinigay na welcome ng TV5 sa TVJ at sa buong Dabarkads.


Mula sa pagdating nila ay talagang nakatutok sa kanila ang camera.


Una munang nagdatingan ang grupo ng JoWaPao, kasunod sina Allan K., Ryan Agoncillo, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon at Carren Eistrup na binigyan ng mainit na pagtanggap ng mga anchors ng Kapatid News Program na Frontline Pilipinas na sina Gretchen Ho at KaladKaren.


Nakatutok din naman ang camera sa pagdating ng TVJ, mula sa pagbibiyahe ng mga ito sakay ng isang sasakyan, hanggang sa pagdating at pagpasok sa studio.


Habang naglalakad ang iconic trio papalapit sa mismong studio ay hindi na napigilan ng mga ito ang maging emosyonal.


Unang napaiyak si Joey at maya-maya’y sumunod na si Bossing Vic, hanggang sa pati na rin si Tito Sen. ay ‘di napigilang mapaluha.


In fairness, nakakaiyak naman talaga. Pati kami ay napaiyak, lalo pa nga’t naalala din namin ang mahahabang taon na pinasaya nila tayo at sila ang kasama natin sa pananghalian araw-araw.


Nang makapasok na sila sa studio ay nagsigawan at nagpalakpakan ang audience, kaya’t mas naging emosyonal pa ang lahat, including TVJ.


Ipinakita sa camera ang asawa ni Bossing Vic na si Pauleen Luna at misis ni Joey na si Eileen Macapagal na iyak din nang iyak.


Naroroon din ang wifey ni Oyo Sotto na si Kristine Hermosa at ang anak ni Bossing Vic na si Pasig City Mayor Vico Sotto.


Nandoon din ang isa pang anak ni Bossing Vic na si Danica Sotto kasama ang asawa nitong si Marc Pingris.


Marami ang na-touch sa binitiwang salita ni Joey na, “Hindi importante ang laki ng bahay, ang importante, sama-sama tayo.”


Pagdating naman sa titulong gagamitin ng show, mukhang E.A.T. o ‘Eto Ang Totoo, ang pansamantala munang magiging title base na rin sa bagong lyrics ng kinanta nilang theme song sa pagsisimula ng bago nilang programa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page