top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

TVJ, 'di natinag… IBANG EB! HOSTS, BINAWASAN NG TALENT FEE

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 15, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 15, 2023




Ayon sa latest chika na aming nasagap, hindi na nga raw magre-rebranding ang programang Eat... Bulaga!. Pero, may mga segments na ipapasok sa show ang Jalosjos team.


Balita rin na magkakaroon ng cost-cutting at posibleng babaan o bawasan ang talent fee ng ibang hosts ng EB!.


But, for sure ay hindi kasama sina Tito, Vic at Joey sa babawasan ng talent fee. Maaaring 'yung ibang hosts lamang ang apektado rito.


Ito raw ang agreement nang magkaroon ng meeting ang TVJ sa mga anak ni Romy Jalosjos na ngayon ay sila nang magpapatakbo ng EB!.


May ilang insiders din ang nagsasabing bago naganap ang meeting ng TVJ sa Jalosjos team ay kumonsulta muna sila sa abogado upang sabihin ang tungkol sa kanilang karapatan sa titulo ng EB!.


At maging ang ginagamit na theme song ng longest-running noontime show ay si Vic Sotto ang nag-compose, kaya hindi ito puwedeng basta na lang gamitin ng Jalosjos team sa bagong noontime show na ipapalit sa EB!.


Sa ngayon ay wala pang official statement na inilalabas ang Jalosjos team patungkol sa mga posibleng pagbabago na mangyayari sa EB!.


Sundan na lang natin 'yan sa mga susunod na araw.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page