top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

TVJ, babu sa GMA-7… EAT BULAGA!, PALIT SA IT'S SHOWTIME SA TV5

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 2, 2023
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 2, 2023




Nagulantang ang buong sambayanan nang biglang mag-anunsiyo sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon ng kanilang pamamaalam sa TAPE, Inc. sa programang Eat… Bulaga! noong Miyerkules, Mayo 31.


Nakatakda pa sanang mag-show nang live sa GMA-7 ang buong Dabarkads ng EB!, pero hindi sila pinayagan ng bagong management ng nasabing noontime show.


Kaya ang pamamaalam ay ginawa na lang nila via Eat… Bulaga! Facebook page.


Makikitang replay ang ipinalabas na episode ng programa sa GMA-7 sa nasabing araw. Maging ang pamunuan ng GMA Network ay nagulat at labis na nalungkot sa biglaang pamamaalam ng TVJ sa EB!.


Ganunpaman, umaasa ang mga big bosses ng GMA-7 na maaayos at mareresolba kung anuman ang problema ng TVJ at ng kampo ng mga Jalosjos na producer ng programa.


Samantala, libu-libong fans and supporters ng EB! ang labis na nalungkot at nanghihinayang sa biglaang pagkakatigil ng nasabing noontime show.


Bakit daw hindi nagawang aksiyunan at isaayos ng kampo ng mga Jalosjos ang “internal problem” nila sa TVJ at sa iba pang co-hosts at production staff ng EB!?


Willing naman sina Tito, Vic at Joey na makipag-usap upang masolusyunan ang anumang problema ng nasabing noontime show. Kumbaga, respeto lang ang hinihingi ng TVJ at malasakit sa mga production staff na naging bahagi ng EB! sa maraming taon.


Well, balitang puro replay na lang ang ipapalabas ng TAPE, Inc. sa naturang noontime slot nila sa GMA Network. Malakas din ang ugong ng balita na ang TV5 na ang magiging bagong tahanan ng EB! at ng mga Dabarkads at sila ang ilalagay sa noontime slot ng It’s Showtime.


Hanggang June 30 na lang ang kontrata ng I’ts Showtime sa TV5 at hindi na nga sila ire-renew pa ng nasabing TV network.


Malaking problema at malaking kawalan sa TAPE, Inc. ang pagkawala ng programang Eat… Bulaga!.


Hindi madali ang bumuo ng isang noontime show at kumuha ng mga production staff na sanay na sa kanilang trabaho.


For sure, maraming advertisers ang uurong na sa TAPE, Inc. ngayong wala na ang TVJ at ang mga original na co-hosts ng Eat… Bulaga!.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page