top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

TV host, talong senador, balik-TV… SIGAW NG MADLANG PIPOL: SANA BAGONG WILLIE NA ANG MAPANOOD NAMIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 5, 2025
  • 4 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | July 5, 2025



  • Willie Revillame - Will to Win

Photo: Willie Revillame - Will to Win


Magbabalik na si Willie Revillame sa kanyang game show na Wil To Win (WTW).

Pansamantalang iniwan ni Kuya Wil ang kanyang programa nang pumalaot siya sa election 2025. Tumakbo siya bilang senador, pero hindi pinalad na manalo.

Kamakailan ay sinilip niya ang soon-to-rise na studio sa loob ng TV5 Media Center sa Mandaluyong.


Isa ang TV host sa mga nagpatayo ng naturang studio, na magiging bagong tahanan ng kanyang comeback show.


Wala pa namang ibang detalye kung kailan magbabalik ang bagong programa ni Kuya Wil.


Pinayuhan naman ng mga netizens ang mahusay na TV host, “Kung sakali, Kuya Wil, focus ka na lang sa show mo, dami mong natutulungan d’yan. God bless po…”

“Control your temper po!”


Pakiusap pa ng mga netizens, sana raw ay habaan ni Kuya Wil ang kanyang patience kapag nagho-host.


Wika pa nila, “Sana, bagong Willie Revillame na ang mapapanood sa kanyang pagbabalik.”


Gerald, knows mo ‘to? ENRIQUE AT JULIA, SPOTTED NA MAGKASAMA SA RESTO


VIRAL ang kuhang larawan nina Enrique Gil at Julia Barretto sa social media platforms kung saan nasa isang restaurant sila.


Ang may kuha ng snapshot ay si Ranvel Rufino na kasama rin nila sa frame at ibinahagi ito sa online.


Na-excite ang mga fans ng actor nang makita nilang muli si Enrique na ilang buwan ding nanahimik sa showbiz.


Ang caption ni Ranvel sa larawan nilang tatlo, “Merienda with Jules!”


Ang tanong ng mga netizens, may project daw bang gagawin ang dalawang celebrities?

Adding to the buzz, @theslingshotstudios uploaded a series of Instagram Stories featuring Enrique and Julia posing beside each other. Ang caption ay: “Q x J?”, a cryptic teaser na posibleng reunion project nila.


Nagkasama sina Enrique at Julia sa Mirabella back in 2014, ang unang lead role ng aktres.


Well, wala pa namang kumpirmasyon kung may collaboration project nga ba silang gagawin.



MISMONG si Department of Justice (DOJ) Secretary Boying Remulla ang nagsabing kinokonsidera nila sina Atong Ang at Gretchen Barretto na ‘suspects’ sa missing sabungeros.


Gayunman, maraming netizens ang hindi naniniwalang magagawa ni Gretchen ang ganoong bagay.


Sey nila, “Hindi naman siguro ganu’n kasama si G (Gretchen). Maldita s’ya pero ‘di naman gagawa ng karumal-dumal ‘yun. ‘Wag naman mag-judge agad.”


Tila may galit naman ang isang commenter sa dating aktres, “Naku, naku! ‘Wag ganu’n ang mentality, girl. Lalo ‘di mo kakilala mga idolo mo… ganyan din mga may sobrang faith sa mga idol politicians nila, kahit blatant lie, naniniwala pa rin.”


Pagtatanggol ng ilan, “Ang sa past words n’ya dati, s’ya pa nga ang nag-open ng issue na nasaan ang mga nawawalang sabungero, so if guilty s’ya, ‘di n’ya ‘yan sasabihin. I don’t think she’s capable and she has something to do with it too.”


“Oo nga, remember? Matulungin s’ya sa pamilya before at nagbibigay pa ‘yan ng mga ayuda saka bigas na tinawag na “love box” sa mga kapwa tao n’ya.”


“Remember, kinuha ni AA si GB na business partner para ma-promote ‘yung online sabong dahil kaka-pandemic lang noon, bawal ‘yung siksikan ng mga tao. Kaya tingin ko, walang kinalaman si GB sa nangyari sa mga sabungero dahil baguhan lang s’ya sa negosyong ito.”


“It takes more than a confession from a supposed witness… A case will be filed at doon mapapatunayan if may SOLID PROOF/EVIDENCE na DIRECTLY involved si G. As in, did she give orders? Sabi ng witness, sigurado s’ya may alam dahil palaging magkasama… That is just a presumption…”


“Exactly! Tsismis lang lalabas ‘yan dahil wala namang evidence. Plus, ano naman ang mapapala ni Gretchen at Atong kung may nandadayang sabungero, eh, kanila ang sabungan?”


“Hearsay lang. Patunayan sa korte ang mga akusasyon.”

“Tahimik si Greta, baka may pasabog din. Sino kaya lawyer na kinuha n’ya?”

“Matagal na s’yang tahimik. Kaya nga nag-lie low na siya sa socmed (social media) at media TV.”


“Bakit tumanda na ulit hitsura ni Greta sa sobrang stress?”

“Nakaka-wonder lang na si Totoy kumandidato pa at nang matalo, ito ‘yung next step n’ya? Dapat 3 years ago ka pa nagsalita? Sino ba hinihintay mo? ‘Di raw sila nababayaran. Pero 15 years ka kasabwat sa ibang gawain. Kuwestiyonable rin ‘tong si Totoy.”


Tanong ng mga netizens sa whistleblower:


“Bakit pinaabot pa ng 15 years? Tapos, kasama raw niya palagi si Gretchen…


Hindi siya nagsumbong dahil? Nakikinabang din s’ya… Ngayon na walang bigay sina Atong at Gretchen, may pa-kumpisal kuno! EVIL VS. EVIL.”


“I think hindi hahayaan ni G na masira ang reputasyon n’ya para sa ganyang gawain, hindi dahil para sa sarili or kay Tony kundi para sa anak niya. Ganoon n’ya kamahal si

A para mag-behave. Puwedeng kasosyo s’ya pero wala s’yang idea sa case. May ganoon naman, ‘di ba? Kasosyo ka, pero puwedeng wala kang say sa operation kasi ang toka sa ‘yo, sa marketing.”


“Kung kailan silent at private ang life ni Gretchen, saka nagka-issue nang malala. OMG, she’s enjoying her life as a lola for sure, ‘di s’ya papayag na masira ang name n’ya kung kailan tahimik na s’ya.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page