top of page

TV host, nakakatayo na uli… SARA-KRIS SA 2028, KUMALAT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 16
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | March 15, 2026



Photo: Kris Aquino at VP Sara Duterte / IG FB



Tumaba na nga si Kris Aquino at makikita ito sa latest photo niya na ipinost ng make-up artist niyang si Jonathan Velasco habang siya ay inaayusan. 


Ito ang looks ni Kris nang pumunta sa Malacañang Palace para sa post-birthday lunch na ibinigay sa kanya ni Liza Araneta-Marcos.


Kasama ni Kris na pumunta sa Malacañang ang common friend nila ni First Lady, ang designer nilang pareho na si Michael Leyva. 


Tama ang nakita at sinabi ng mga fans ni Kris, tumaba na nga siya and she’s getting better at nakakatayo na nga. Ang gandang makita na hindi siya nakahiga sa kama kundi nakatayo at pumunta pa nga sa Palasyo.


Mababasa ang mga comments na, “Happy to see you bouncing back Kris. God is merciful,” “Thank you, Lord, for Kris’s recovery,” “Thank you for sharing, happy to see @krisaquino,” “Looking great Miss Kris. Prayers for you always,” “So happy to see her getting better,” “God is super good! Enjoy His grace, savor every moment Kris,” “The one and only Queen of All Media,” “Nice to see you looking healthy, puwede nang walang mask at puwede nang naka-make-up,” at ang nakakatuwang “Feeling ko, manggugulat si Kris! Tatakbo ‘tong presidente.”


May mga comments na kamukha ni Kris si former First Lady Imelda Marcos at may comment pa na baka si Kris ang sinasabi ni Sara Duterte na kinukumbinse niyang mag-VP sa kanya. 


Dahil sa comment na ito, ang sumunod na comment at prayers ay sana, hindi na pasukin ni Kris Aquino ang pulitika.



MAY inilabas na teaser ang GMA Network sa bagong karakter na magge-guest sa Never Say Die (NSD) at kahit silhouette lang ang photo, nahulaan agad na si Eman Bacosa Pacquiao ang tinutukoy. Nagba-boxing ang larawan nito na siyang ginagawa ni Eman.


Nasa teaser ang clue na ang sabi, “We’re bringing in the big guy!” 

‘Big guy’ ang itinawag kay Eman sa TikTok nila ni Jillian Ward na habang nagsasayaw, mga malalaking kamay at braso lang ni Eman ang ipinakita.


Nalaman lang na siya ang kasama ni Jillian sa TikTok nang manood ang aktres ng laban niya sa Tagbilaran City, Bohol.


Wala pang binanggit ang GMA na magiging role ni Eman, pero kinikilig na ang mga shippers. Abangers na raw sila kung kailan siya magsisimulang mapanood at wish nila, mag-taping na agad si Eman para mapanood na siya.


May mga fans si Eman na nagpasalamat sa GMA na pinakinggan ang request nila na isama sa NSD ni Jillian. Sana raw ay hindi kontrabida ang role nito at sana, bigyan nila ng maraming eksena sina Eman at Jillian para sulit ang kanilang kilig. 

May n9a­ngako pa ngang tututukan na nila ang action series nina Jillian at David Licauco ngayong kasama na si Eman.


Nagulat lang kami na maraming senior na fans sina Jillian at Eman at hindi lang sila senior, mas tamang sabihing ‘mga kinikilig na senior’. Nahiya pa nga ang isa dahil at her age, kinikilig daw siya sa mga bata.



SI Janine Gutierrez ang Esquire Philippines Sexiest Woman Alive 2026 at sa reaction ng mga taga-showbiz, agree sila sa title ng aktres.


Si Nadine Lustre, nag-post ng burning fire emoji sa photo ni Janine, ganoon din sina Iza Calzado, Georgina Wilson, Michelle Dee, Jodi Sta. Maria, Maymay Entrata, Ruffa Gutierrez, atbp..


Pati ang maganda at sexy na si Anne Curtis, napa-comment ng ‘beautiful’ at ‘insane’ naman ang nasabi ni Sarah Lahbati. 


Si Ruffa nga, lahat ng post ni Janine ay talagang may comment siya, ganoon siya ka-proud sa kanyang pamangkin.


Proud din ang mga fans ni Janine dahil sa rami ng magaganda at seksing Pinay, ang favorite nila ang napiling sexiest for this year. 


Isa pang ipinagmamalaki ng mga fans ay ang madalas na pagiging cover girl ng aktres sa iba’t ibang lifestyle magazine.


Siguradong hindi lang sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher Gutierrez ang very proud sa kanilang eldest daughter, pati ang mga siblings ni Janine at si Jericho Rosales. Inaabangan na nga ang comment ni Jericho at ang pagpo-post niya sa cover photos ng GF sa nabanggit na magasin.


Ang ganda ng sinabi ng Esquire Philippines kay Janine, “For Esquire Philippines’ first Sexiest Woman Alive in seven years, Janine Gutierrez redefines sexiness as something quieter, braver, and entirely her own.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page