top of page
Teddy Corpuz - IG.jpg

TV host, nagiging oks na uli… KRIS AT BIMBY, MAGSASAMA SA TALK SHOW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 28, 2026



Kris Aquino at Bimby - Kris  Aquino World

Photo: Kris Aquino World



Marami ang ginulat ni Kris Aquino nang dumalaw siya sa programang Eat… Bulaga! (EB!) sa TV5. Naroroon siya upang suportahan si Bimby, na kasama na sa mga hosts. 

Maraming viewers ang natuwa sa TV appearance niya. Nangangahulugan lang ito na unti-unti nang gumaganda ang kanyang kalusugan. 


Well, marami ring fans ang kinikilig ngayon sa tambalang MaeBy (Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino Yap), na suportado rin ni Kris Aquino.


Bilang ina, proud at ikinatutuwa ni Kris ang magandang feedback at pagtanggap kay Bimby sa kanyang pagho-host. Nagsisilbi itong training ground ni Bimby upang mahasa nang husto ang kanyang hosting skills.


May bali-balitang plano ni Kris na magsama sila ni Bimby sa isang show na ang format ay one-on-one interview nila sa mga celebrities. Bongga kung matutuloy ito at tiyak na ikatutuwa ng mga fans at supporters.



MARAMI ang hindi makapaniwala sa tsikang nagkaroon daw ng short-lived romance noon sina Marian Rivera at James Blanco nang nagsisimula pa lang sumikat ang Primetime Queen, pero two months lang tumagal ang kanilang relasyon.


Sumunod daw ay si Mark Herras, pero 2 years lang din silang naging BF-GF. Hindi ito gaanong nabalita at naitago nila sa media. 

Si Jennylyn Mercado noon ang ka-love team ng aktor matapos nilang manalong Ultimate Survivor ng StarStruck Season 1.


Pero ang first boyfriend daw talaga ni Marian ay ang aktor-pulitiko na si Ervic

Vijandre, at 8 years tumagal ang kanilang relasyon.


Nang magkapareha sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Marimar, naging malapit sila sa isa’t isa hanggang sa nauwi sa pagpapakasal. 


Ngayon ay may dalawa na silang anak. Mahigit 11 years na ang kanilang pagsasama bilang husband and wife.



SOBRA-SOBRA ang pasasalamat ni Andrew E. sa paggagawad sa kanya ng Pilita Corrales Lifetime Achievement Award sa ginanap na 17th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Music.


Hindi niya expected na maaalala pa siya dahil matagal din siyang hindi nakagawa ng hit songs.


Nagmarka sa publiko ang awiting Humanap Ka ng Panget na nagpasikat sa kanya noong ‘90s.


Bago nagkaroon ng break sa showbiz si Andrew E. ay marami siyang sinalihang auditions pero more than 500 times daw siyang na-reject. Rap music ang naging trademark niya at maraming aspiring rappers ang kanyang natulungan.


Hindi rin kinalimutang pasalamatan ni Andrew E. ang mga taong unang nagtiwala at tumulong sa kanya upang maabot ang kanyang mga pangarap, tulad ni Ramon ‘RJ’ Jacinto and The Ventures, ganoon din si Boss Vic del Rosario ng Viva Records na nag-produce ng Humanap Ka ng Panget.


Plano ni Andrew E. na muling mag-record ng mga awitin at maging visible ulit sa music scene. Matagal siyang namalagi sa Japan, kung saan may negosyo siyang pinagkakaabalahan.


Ganunpaman, kahit matagal siyang nag-lie low sa pagkanta at pagko-concert, hindi pa rin siya nakakalimutan ng kanyang mga Pinoy fans.



MASAYA para kay Amy Austria ang cast ng seryeng Kamao dahil nominated ang aktres bilang Outstanding Asian Star sa 21st Seoul International Drama Awards.


Napansin ang husay ng aktres sa kanyang role sa seryeng Kamao, na napapanood sa GMA-7. All-out ang ibibigay na suporta ng cast sa aktres at ibubuhos ang kanilang boto.


Puwedeng bumoto ang mga fans ni Amy Austria via IDOLCHAMP app mula June 15 hanggang July 14.


Malaking karangalan para sa serye kung siya ang mananalo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
LOTTO RESULTS  SUNDAY,  JUNE 28, 2026  JACKPOT PRIZE*

Ultra Lotto 6/58  : 46-56-08-01-03-05 ₱ 128,000,000.00
Super Lotto 6/49 : 32-01-35-23-14-29 ₱ 46,214,516.39
3D Lotto 2 PM      : 3-26-                         ₱ 4,500.00
3D Lotto 5 PM      : 0-1-7-                        ₱ 4,500.00
3D Lotto 9 PM      : 
7-7-0-                        ₱ 4,500.00



*Jackpot amount may change depeding on actual sales.      View All Results >
bottom of page