TV host, kahit laya na… VHONG AT MGA ANAK, DE-BODYGUARD PA RIN
- BULGAR
- Apr 12, 2023
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | April 12, 2023

Until now ay kini-keep pa rin ng It’s Showtime host na si Vhong Navarro ang kanyang bodyguards bilang proteksiyon sa sarili at sa kanyang mga anak na sina Yce at Bruno.
Nalaman namin ‘yan from Bianca Lapus, Vhong’s ex-wife at ina ng panganay niyang anak na si Yce.
Simula pa lang daw nu’ng nabugbog si Vhong ng grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo na napunta sa demandahan ay may mga bodyguards na ang aktor-TV host.
Kaya pati ang schedule nina Vhong at Bianca sa pag-aalaga kay Yce — na isa pang minor nu’ng mangyari ang pambubugbog sa It's Showtime host — ay nabago.
Kuwento ni Bianca, “Nagbaligtad kami ng schedule. Instead na weekdays ako, weekends kay Vhong, baligtad na. Kasama na niya si Yce weekdays, akin ‘yung weekend.
“Hanggang sa nangyari ‘yung nangyari, ayun, more 'yung sa kanya na. Pero we see each other whenever we want to. Kasama na niya ‘yung mga anak niya sa bahay niya. Kailangan niya ‘yun.
“They're very close. Actually, we are all very close. We are one big, happy blended family.”
Hindi naman daw kasi keri ni Bianca na patuluyin sa condo niya ang mga bodyguards na ibinigay ni Vhong para kay Yce kaya pumayag na rin siya sa bagong setup.
Siyempre, kasama ng mga anak ni Vhong sa bahay ang misis ng komedyante na si Tanya Bautista.
Okey naman daw sina Bianca at Tanya.
“Si Tanya lang kasi ‘yung naging girlfriend ni Vhong na nag-reach-out sa akin. Parang ‘yung iba, parang mailap, mailap-ilap sila sa akin.
“Alam mo ‘yung sa Mano Po? ‘Yung ‘Ako legal wife,’ parang ganyan.
“Huh? Approachable naman ako, ah. Mabait naman ako. Parang may ganoon kasi rito sa Pilipinas. Parang, ''Yan ‘yung unang wife,’ ganoon,” natatawamg sambit ni Bianca.
Hindi tuloy napigilan ni Bianca na magsalita tungkol kay Tanya.
“Si Tanya, very matalino kasi siya. Hindi ko alam, eh, if I got sick during that time na mag-boyfriend-girlfriend sila or Mother’s Day yata. Basta hindi ko na ma-remember. Pinadalhan niya ako ng potato chips at chocolate.
“So, parang I thought na it was so thoughtful of her. And then, ako na ‘yung nag-initiate.
“Ayun, nagpasalamat ako at sinabi ko sa kanya na, ‘We have our own personal lives na ni Vhong.
Feeling ko, ikaw na talaga,’ sabi ko kay Tanya.
“Ang ayoko lang ay maagrabyado ang anak ko. Alam mo na ‘yung mga wicked stepmother na stories, ganyan.
“Tapos, sabi niya, ‘Naku, hindi ko gagawin ‘yun. I know my place. I can never replace you and I don’t intend to.’
“It was a very sincere conversation between the two of us. Ayun.
“Doon ako nag-decide na tatanggapin ko ang babaeng ito. Tatanggapin ko siya na maging stepmom ng anak ko. Saka pakikisamahan kong mabuti. Tapos, in-open ko rin ang heart ko na maging magkakaibigan kami.
“Kasi, minsan, kunwari birthday ng anak ko, nandu’n ang partner ko, si Jimmy (Velasquez), nandu'n din si Tanya. Happy family kaming lahat.
“Ganoon naman talaga dapat, ‘di ba? Hindi na uso ‘yung mga drama-drama pa,” diin pa ni Bianca.
Sa ngayon, abala si Bianca sa lifestyle magazine ng Velvet Media Inc., ang Top Shelf na kamakailan ay inilunsad ang kanilang second issue with Lyn Macanas on the cover na may-ari ng Chrismarie Builders and Construction Supply.
And now, busy din ang publisher ng Top Shelf na si JJ Maghirang III sa Miss Supermodel Philippines. Kasalukuyang nasa India si JJ kasama ang ating representative sa ginaganap na Miss Supermodel Worldwide na si Shyrla Nuñez.
Hopefully, maka-back-to-back win ang Philippines sa Miss Supermodel Worldwide.
Winner kasi ang Philippine representative natin doon na si Alexandra Mae Rosales last year. Siya ang kauna-unahang Pinay na nakoronahan bilang Miss Supermodel Worldwide
For sure, mas magiging busy si Bianca at ang team nila ni JJ and his wife na si Mae Evelyn Maghirang later this year. Ang Pilipinas kasi ang host country sa 2024 Miss Supermodel Worldwide.
Project Director din kasi si JJ ng Miss Supermodel Philippines at national director naman si Mae.





Comments