TV host, inayawan daw nilang kasama ni Cristy…
- BULGAR

- Nov 5, 2020
- 3 min read
SIGAW NI LOLIT: 'DI NATULOY NA SHOW NAMIN NI KRIS, NO REGRETS!
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 5, 2020

Ano'ng mayroon kay Mr. Fu at ayaw siyang katrabaho ni Kris Aquino?
Si Mr. Fu ay kasama nina 'Nay Cristy Fermin at 'Nay Lolit Solis sa Take it Per Minute, Me Gano’n FB Live na napapanood tuwing Martes ng tanghali.
Base sa kuwento ni ‘Nay Lolit ay hindi kilala ni Kris si Mr. Fu kaya ayaw niyang makasama sa show nila na tinawag na ‘special project’ ni ‘Nay Cristy ng kilalang supermarket na bagong ineendorso ng Queen of Social Media.
At dahil tinanggihan nga ni Kris si Mr. Fu kaya umayaw na rin sina ‘Nay Lolit at 'Nay Cristy.
Ang buong paliwanag ni ‘Nay Lolit sa kanyang IG account…
“Ngayon ko napatunayan Salve iyon kasabihan 'if it is not meant to be, it is not meant to be'. Iyon balak na pagsamahin kami nina Cristy at Mr. Fu with Kris Aquino sa isang talk show, nagsimula sa hitches, hanggang sa final decision naming tatlo na huwag nang gawin.
“Exciting nu’ng una ang idea, lalo pa nga at meron ding soft spot sa puso namin ni Cristy si Kris. Exciting dahil sa daldal naming tatlo nina Kris at Cristy, siguro, ang ingay literally at in fairness, very juicy ang lahat ng lalabas sa mga bibig namin. But in the end, iyon na nga, may mga bagay hanggang sa huli the thin thread that bind the idea naputol.
“In fairness, kahit na may attitude si Kris, mas mukhang mas matigas ang ulo namin ni Cristy. Noong una kasi, ayaw sana ni Kris kasama si Mr. Fu dahil idea niya, 3 babae lang, pero pumayag din siya magkaroon ng trial period at tingnan kung mag-blend sa amin si Mr. Fu.
“Pangalawa, iyon technical run, pangatlo iyon swabbing. Lahat ng ginusto namin, ibinigay na, ok na sana, nang bigla naka-feel ng hindi comfortable si Cristy na magkaroon ng trial period si Mr. Fu.
“So Cristy decided not to do it. I will not do it 'pag hindi kasama sina Cristy at Mr. Fu. 'Pag hindi kasama sina Gorgy at Salve, as a group we are responsible for each other, one for all, all for one.
“Iyon ang bonding na naganap sa amin sa Take It Per Minute Me Ganuon. Hindi naman iyon hindi na kami puwede makatrabaho ng iba, hindi naman iyon dapat kaming 3 ang kunin, or dapat buong team kami, NO, ipokrita naman kami if we say it that way.
“Iyon lang nu'ng ilatag kasi ang plano at sabihin sa amin, magkasama kaming 3, so ayaw namin na may ilaglag na isa sa amin. OK, mataas naman ang EQ factor namin at tanggap namin na iba-iba kaming talent, or ranking, or level, pero iyon alam na namin na magkasama kami, tapos meron palang isa na hindi masyado feel ni Kris, parang iyon ang hindi natanggap ng grupo.
“We are happy sa biruan namin, barya ang TF ng TIPM Me Ganuon, at ngayon pandemic, isang malaking grasya ang ibibigay sa amin talent fee ng bagong talk show sana, pero iyon saya at enjoyment na nadarama namin every Tuesday together, iyon camaraderie, parang compensated na iyon barya lang na TF. No regrets.
“No regrets, maluwag sa loob na hindi matuloy ang sana ay pagsasama namin 3 nina Kris Aquino at Cristy Fermin. Honestly, Mr. Fu is worth the bullet, masaya siya kasama sa trabaho, alam niya ang lugar niya, team player siya, very sharp at pleasant.
“Sayang at hindi natikman o nakita ni Kris ang mga qualities na iyon ni Mr. Fu. Sayang at hindi niya nakita how happy we are working together. The only regret for giving up this show, we could have given our followers the top of the line enjoyment in watching us having repartee with each other.
“For now, let it go. No regrets. If it is not meant to be, no matter how hard you push, walang mangyayari. Saka siguro, talagang ayaw ng mga angels ko for me to work on a Sunday.
“Kaya iyan ang tunay na kuwento, bakit hindi na kami kasali sa Sunday talk show ni Kris Aquino. Basta all the best Kris, kaya mo iyan, FIGHTING. Saranghae and good luck to your show. Promise, watch ko iyan, exciting iyan for sure. Love you. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako.”
Habang isinusulat namin ang balitang ito ay nananatiling tikom ang bibig ng aming mga tinanungan tungkol dito at kung hindi na ba mahihilot pa ang dalawang Take it, Per Minute hosts.








Online TV is convenient, but safety should always be a priority. Start by using trusted platforms and avoid suspicious websites that may carry malware. Always use a strong, secure password and enable two-factor authentication on streaming accounts. If you choose to buy IPTV services, ensure the provider is reputable and offers encrypted connections to protect your data. Consider using a VPN to mask your IP address and enhance privacy. Keep your device’s antivirus software updated. By taking these precautions, you can enjoy your favorite shows without compromising your online safety or personal information.
When it comes to the best TV shows, there are countless options across all genres, from drama to comedy. With IPTV, you can easily access your favorite series, movies, and live events, all in one place. So, for the ultimate TV experience, don’t hesitate buy IPTV today! However, if you're looking to watch high-quality content with minimal interruptions, consider investing in IPTV services. These services offer a wide range of channels, on-demand content, and even international shows, making it a great choice for those who love binge-watching.