TV host, biktima lang din daw ng scam… HIRIT NG BFF: LUIS, KUMUHA NG MAGALING NA ABOGADO
ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 16, 2023

Na-meet namin face-to-face ang successful businessman behind "Mr. Freeze" Purified Tube Ice na si Mr. Gerry Santos sa ipinatawag na media launch ng Makers Mind Media Production headed by its CEO, Ms. Ivy Ataya, para sa first entrepreneurial show sa AllTV Network, ang Negosyo Goals na magsisimula na sa March 19 (Sunday) at 11:30 AM.
First time magho-host ni Mr. Gerry Santos ng ganitong klaseng show pero dahil BFF siya ng maraming sikat na artista tulad nina Mr. Albert Martinez, Aga Muhlach, Derek Ramsay, Luis Manzano at Isabelle Daza, for sure ay marami nang naibigay na tips sa kanya para maging effective na TV host.
Kaya naman, ngayon pa lang, inaabangan na ang guesting ng mga BFF ni Sir Gerry sa Negosyo Goals at kung anu-anong advise kaya ang maibibigay nila sa mga small-time businessmen na gustong magtagumpay sa pagnenegosyo.
'Yun kasi ang goal ng show, ang ma-encourage ang lahat na magnegosyo nang sa gayon, matulungang umangat ang ekonomiya ng 'Pinas.
Anyway, dahil nga sa friendship ni Mr. Gerry sa ilang sikat na celebs natin, of course, ang daming tanong sa kanya about Derek, Aga, Albert, Isabelle at Luis.
Tulad na lang kung paano sila naging friends ni Derek at umabot pa nga sa pagiging Best Man niya sa kasal nito kay Ellen Adarna.
Kuwento ni Sir Gerry, sa paglalaro ng golf sila nagkakilala, tulad din ni Aga Muhlach na mahilig din sa sport na ito.
Then, naitanong kung paano nag-start ang pagsososyo nila ni Derek sa Mr. Freeze ice plant sa Bulacan.
Pag-amin ni Sir Gerry, nu'ng unang magsabi si Derek na gustong mag-franchise ng kanyang ice plant, tinanggihan niya ito dahil nag-alala siya na baka makasira sa kanilang friendship ang pagsososyo sa negosyo.
So, it took him 3 yrs. daw bago nakumbinseng tanggapin nang sumosyo si Derek sa ice plant business niya and now, everything is well naman daw at smooth-sailing ang kanilang partnership.
Hindi man daw hands-on sina Derek at Ellen sa kanilang ice plant business, regular na nakakatanggap ng dividend ang mga ito, tulad din ni Isabelle Daza na may 10 franchised ice plant na pala.
Samantala, natanong din namin si Mr. Gerry Santos sa pinagdaraanan ngayon ng kaibigan din niyang si Luis Manzano.
Of course, nalulungkot daw siya for Luis dahil alam niyang napakabuting tao nito at ang hangad lang ay makatulong sa marami, pero ngayon ay nabiktima rin sa Flex Fuel investment scam.
Payo niya kay Luis, kumuha raw ito ng magaling na abogado nang maisaayos ang problema at malusutan ang isyung kinasasangkutan.
Samantala, excited na si Mr. Freeze Gerry Santos na ipakita sa lahat ang 26 episodes ng Negosyo Goals dahil alam niyang maraming maliliit na tao ang mai-inspire nila at matutulungan sa bago nilang show sa ALLTV.
At dahil blocktimer lang naman sila sa ALLTV, hindi naman daw nila kinailangang makipag-usap pa kay Kuya Willie Revillame, diretso na raw sila sa presidente ng network na si Ms. Maribeth Tolentino.
Warm naman daw ang naging pag-welcome sa kanila sa ALLTV Network kaya haping-happy sila na kabahagi na sila ngayon ng AMBS na pag-aari ng pamilya Villar.
Parehong pang-Best Actor... DIREK JUN: ROMNICK AT ELIJAH, BRILLIANT ACTORS

Isa ang pelikulang About Us But Not About Us sa mga official entries sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival na gaganapin sa Abril.
Pagbibidahan ito ng magagaling na aktor na sina Romnick Sarmenta at Elijah Canlas na gaganap na gay teacher at student respectively.
"I have two great actors. They gave me so many magical moments during the shoot. 'Yung mga galing sa kanila, kailan magpo-pause, kailan luluha, lahat ng ibinigay nila sa akin, na-capture ko," panimula ni Direk Jun.
"It's really a collaboration. And you know, kahit anong gawin kong preparation bilang direktor, kung hindi magaling 'yung mga artista ko, hindi tatayo 'yung pelikula. I'm just truly grateful that I was working with two brilliant actors," papuri pa niya sa dalawa.
Maraming beses nang nakatrabaho ni Direk Jun si Elijah sa mga naging proyekto ng The IdeaFirst Company nila ni Sir Perci Intalan, tulad na lang sa Kalel, 15 kung saan nanalo ring Best Actor si Elijah.
Pero si Romnick, matagal na nu'ng huling makatrabaho ni Direk Jun, kaya masaya siya na muli silang nagkatrabaho sa About Us But Not About Us.
"I've always wanted to work with Romnick, hindi lang dumarating 'yung tamang project. And then nu'ng dumating ito, isa talaga siya sa mga naisip ko. And I reached out to people.
Excited din ako to work with him. And so nu'ng pumayag siya, tapos nag-reading kami, I was really honored," lahad pa ni Direk Jun.
Well, ang tiyak na inaabangan ngayon ng mga fans nina Romnick at Elijah ay kung sino kaya sa kanila ang tatanghaling Best Actor? O beke nemen puwedeng tie sila, devah?
Produced by The IdeaFirst Company, Octobertrain Films, and Quantum Films, ang About Us But Not About Us ay mapapanood sa mga sinehan nationwide simula sa Abril 8 bilang bahagi ng kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival.





Comments