top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

TV host, 7 days naka-quarantine… STAFF NI WILLIE, NAG-POSITIVE SA COVID, SHOW ITINIGIL

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 9, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 09, 2022




Since Monday ay walang live broadcast ang Wowowin at puro replays ang ipinalalabas kaya naman marami na ang nagtataka kung bakit.


‘Yun pala ay naka-quarantine ang host na si Willie Revillame dahil nagpositibo sa COVID-19 ang ilang staff ng show.


Ayon sa tsika ng veteran columnist/TV and radio host na si Cristy Fermin sa kanyang online show na Cristy Ferminute, ang dami nga rin daw nagtatanungan sa kanya kung bakit walang live episode ng Wowowin. Kaya naman ikinuwento niya ang nangyari.


“Kaya po siya wala sa Wowowin: Tutok to Win ay bilang pag-iingat po sa kanyang sarili, sa kanyang mga mahal sa buhay, at mga katrabaho.


“May mga nag-positive siyang kasamahan sa programa at ang pinakamatindi, nag-positive po ang kanyang make-up artist na si Berns, si Bernadette,” tsika ni 'Nay Cristy.


“So, naka-quarantine po si Willie, pitong araw, si Berns naman, 14 na araw. ‘Yun po ang dahilan kaya wala si Willie,” aniya.


Baka raw sa Lunes ay mapanood na ang TV host sa Wowowin dahil natapos na ang quarantine nito last Friday.


“Baka po hopefully, sabi niya, sa Monday, makapag-live na siya. At ‘yun naman po ay ginawa niya bilang proteksiyon sa kanyang mga nasasakupan,” she said.


Naikuwento rin ni ‘Nay Cristy na napakarami raw talagang nagpopositibo na mga staff and talents ng networks kasama na nga raw ang TV5.


“Kaya kokonti ang mga tao sa mismong building. 'Pag sumigaw ka raw, nag-e-echo. Kahit saan, kahit saang opisina, ganu’n po ang nangyayari. Lalo na po ngayon na triple o apat na beses na tumaas nang tumaas ang nagpopositibo sa mga kababayan natin.


“Eh, ngayon pang mga panahong ito, umubo ka lang at sumipon, pagbibintangan ka nang may COVID-19,” sey ni 'Nay Cristy.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page