top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

TV, babasagin daw ng mga fans… COCO, BAWAL PATAYIN SA SERYE KAYA BUHAY PA RIN SA ENDING

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 14, 2022
1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 14, 2022



After almost 7 long years, opisyal na ngang namaalam sa ere ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin. Nagtapos ang longest-running teleserye nitong nakaraang Biyernes, Aug. 12 at hanggang sa huling sandali, pinatunayan ng show ang lakas nito sa mga televiewers.


Multiple trending ang serye sa Twitter last Friday night sa mga hashtags na #FPJAP7MissionAccomplished, #FPJsAngProbinsyano, #FPJAP7HulingLipad at ang mga artista’t karakter na sina Coco Martin, Mr. President, Lola Flora, John Arcilla, Angel Aquino, Julia Montes, Susan Roces, Hipolito and Cardo Dalisay.


Hanggang kahapon ay nasa Top 10 trending pa rin ang ilan sa mga nasabing hashtags and topics.


Napakaraming magagandang eksena sa finale episode pero pinakapaborito namin ang tribute na ginawa sa Lola Flora character ni Susan Roces. Nakaka-touch ang mga ipinakitang eksena noong nabubuhay pa siya.


Kapansin-pansin din na ang nakalagay sa lapida ni Lola Flora ay ang tunay na kamatayan ni Tita Susan which was May 20, 2022.


Siyempre, nagtapos ang serye na buhay si Cardo dahil hindi siya talaga puwedeng patayin at baka batuhin at basagin ng mga televiewers ang kani-kanilang TV screen kapag pinatay siya.


And for sure, masayang-masaya rin ang CocoJuls fans nina Coco at Julia Montes dahil sa ending ay ang mga karakter nilang sina Cardo at Mara ang nagkatuluyan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page