Tuyo business, kinumpitensiya ng madir... NORA, BINANATAN NI MATET
- BULGAR
- Dec 6, 2022
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | December 6, 2022

Hala! Magkakumpitensiya sa gourmet tuyo at tinapa business ang mag-inang Nora Aunor at Matet de Leon.
Nauna si Matet sa kanyang Casita Estrada at mga produkto niyang Bagnet Bagoong, Gourmet Tuyo, Sisig Bagoong at Gourmet Tinapa.
Si Nora, may Ate Guy’s Gourmet Tinapa at Gourmet Tuyo na nasa bote rin. So, paano na?
Ipinost ni Matet ang bottled food business niya pati na ang sa mom niya at sabi, “Would you do this to your children? HONOR THY FATHER AND MOTHER. HOW? How can I do that now?
Ay, AMPON PALA AKO. Nu'ng isang gabi, sinabihan ako na mag-resell na lang ng products ng nanay ko. Pinaghirapan namin ang pagtitinda. Bakit all of a sudden, nagulat na lang ako, naglabas ang nanay ko ng direktang kumpitensiya ng produkto ko. Alam niyang may produkto akong ganyan... Marami naman daw akong taping. Ano sa tingin n'yo gagawin ko ngayon? Ano magandang gawin? Kung may anak kayo, GAGAWIN N'YO BA SA MGA ANAK N'YO TO?”
Wala lang makapag-comment dahil in-off ni Matet ang comment box sa post niyang ito sa Instagram.





Comments