Tuwang-tuwa na na-meet si George Clooney… "NAUBOS ANG ENGLISH KO" — JOSHUA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 15, 2022

Back to work na si Joshua Garcia after dumating mula sa Switzerland kung saan dumalo siya sa isang golf competition.
Sa Inside News ng Star Magic, ibinahagi ng aktor na na-meet niya ang Hollywood superstar na si George Clooney.
Aniya, "Thankful lang ako to be part of that Omega event. At ang saya ng tour kasi first time ko rin doon sa Switzerland. Ang saya lang na may na-meet tayo na iba't ibang tao. Naubos ang English ko.
"Naka-meet din ako ng other actor from other country. Ang saya, ang saya ng tour. Pagdating namin doon sa isang parang ballroom, doon kami pumuwesto kung saan siya namin nakikita na dadaan. Nasa harapan ko talaga siya."
Dagdag niya, "Very inspiring siya. Nu'ng nakita ko siya, sabi ko, gusto kong maging siya. Ang lakas kasi ng dating niya. Pagdating pa lang niya roon sa event, alam mo na may artista talaga na dumating. The way he handled himself sa stage, ang galing lang, may wow factor.
Isa ako sa mga sinuwerte na makakita ng ganu'n, iba ang impact sa akin."
Para kay Joshua, ang highlight ng event ay 'yung na-meet niya ang ibang personalidad mula sa iba't ibang bansa.
"Ang pinaka-na-enjoy ko sa trip na 'yun is to meet new people, na makausap sila, ma-experience 'yung ganu'n, 'yung event. Ibang environment, ibang tao ang kausap mo. Sabi ko nga, naubos ang English ko, pero kinaya naman."
Nakunan din ng reaksiyon ang aktor sa komento ni Nicki Minaj sa kanyang recent TikTok video kung saan kanta ng foreign singer ang kanyang isinasayaw.
"Actually, recent ko lang din nakita 'yun. Pinin ko nga siya doon sa video kasi nga kanta niya rin 'yung sinayaw ko. Masaya lang kasi siyempre, nakikita ako roon sa ibang parte ng mundo.
That's the goal. Sana, more pa. Ngayon, grateful lang ako, masaya lang ako sa nangyayari sa buhay ko. Kung sino ang nagko-comment, naa-appreciate ko 'yun, sobra. Tingnan natin kung ano pa ang mangyayari sa journey ko."
Kuwento rin ni Joshua, "Actually, kahit nasa Switzerland ako, nakikita ko ang tweets ng mga tao at clips sa mga ipinapalabas namin. Sobrang thankful, grateful na hanggang ngayon ay mainit pa rin ang pagtanggap ng mga tao sa amin. So sana, magtuluy-tuloy po," pagtatapos ng aktor.
Hindi naman na-discuss ang tungkol sa kanila ng YouTube star na si Bella Racelis.





Comments