Tuwang-tuwa kay Anne na never daw silang iiwan…

VICE, NAGPATUTSADA SA UMALIS NA CO-HOST SA IT'S SHOWTIME
Julie Bonifacio - @Winner | February 1, 2021

Nag-react ang mga kasamahang hosts ni Anne Curtis sa It's Showtime sa kanyang pahayag na never niyang iiwan ang Kapamilya noontime show.
"Well, that's very Anne Curtis. That's very Anne Curtis. Because Anne is a kind of person that will never leave her family," reaksiyon ni Vice Ganda.
Last time ay naisulat namin ang ipinost ni Anne sa Twitter recently tungkol sa kumustahan niya with her It's Showtime co-host na si Karylle via Zoom.
Tinanong si Karylle ng TV Patrol reporter na si Miguel Dumaual sa Zoom mediacon ng It's Showtime para sa grand finals ng Tawag ng Tanghalan segment kung nagkaroon ba among them na mga hosts ng Kapamilya noontime show ng "sumpaan" na walang iwanan sa grupo.
Tugon ni Karylle, "Parang it's one of those things na, it goes without saying. I mean, mga loyal naman talaga, eh. Makikita mo naman, so, lalo na si Anne. I mean, she will really verbalize it na talagang, 'Eto, pangako. Itaga n'yo sa bato.' Pero kahit hindi na sabihin, halatang-halata naman. May umaalis ba rito? Heto na 'yun. This is our family."
Hindi naman napigilang mag-react ni Vice sa sinabi ni Karylle.
"Well, may umalis. Hehehe."
Napangisi na lang din si Karylle sa tinuran ni Vice.
When it's Jhong Hilario's turn, um-agree na lang siya sa sinabi nina Vice at Karylle regarding Anne's statement na never niyang iiwan ang It's Showtime.
"Second na lang ako sa sinabi ni Vice at saka ni Karylle. Well, kasi si Anne, ganoon talaga siya. Sobrang vocal niya pagdating sa (It's) Showtime family. Sobrang sinasabi niya talaga na mahal na mahal niya 'yung (It’s) Showtime. Nami-miss niya na kami," lahad ni Jhong.
Sa last part ng pahayag ni Jhong ay ini-reveal niya na supposedly ay babalik na ng ‘Pinas at sa It's Showtime si Anne.
"Actually, dapat yata, pauwi na siya. Pero siyempre, dahil sa pandemic," naputol na sabi ni Jhong.
Singit ni Karylle, "(Because of the) New strain.”
"Nagka-delay-delay. So, ganoon niya kamahal 'yung (It's) Showtime," pagpapatuloy ni Jhong.
Samantala, inanunsiyo naman ni Reily Santiago, ang business unit head ng It's Showtime, na magsisimula na ang grand finals ng Tawag ng Tanghalan ngayong February 1.
Mapapanood daw ng mga tagasubaybay ng It's Showtime sa A2Z Channel 11, digitalized Channel 29, Kapamilya Channel, iWantTv at iba pang platforms ng ABS-CBN ang same level ng kabonggahan gaya sa mga nakalipas na Tawag ng Tanghalan grand finals sa kabila ng kalimitahan sa kasalukuyang sitwasyon.
"Pinaghandaan ng programa at pati ng mga contestants 'yung kanilang mga piyesa. Uh, in terms of bigness, how I wish or we wish that we could celebrate it in the traditional TNT grand finals. But due to the limitation in the covid safety protocol, uh, kailangan naming i-control 'yung aming magiging environment," paliwanag ni Reily.
Dagdag pa niya, "Though, makakasiguro ang mga televiewers namin that same experience will be felt all throughout the week. So, expect the grandeurs of the TBT finals. Uh, ibigay natin sa mga contestants ang kanilang moment para ipakita nila ang kanilang galing. Dahil ito na 'yung final stretch. So, we wish them all good luck."
So, don't fail to miss ang simula ng TNT grand finals sa It's Showtime ngayong Lunes hanggang Sabado, 12 NN pagkatapos ng Magandang Buhay.





Comments