top of page

Tutuldukan ang kontrobersiya, Pacman vs. Hussein may part 2

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 6, 2022
  • 2 min read

ni MC - @Sports | December 6, 2022


ree

Napag-usapan na tuloy ngayon nina Manny Pacquiao at Nedal Hussein ang tungkol sa pagdaraos ng exhibition match sa gitna ng kontrobersiya na isiniwalat ni referee Carlos Padilla kaugnay sa kanilang laban noong taong 2000.


Nag-usap ang dalawang retiradong boksingero sa isang zoom call hinggil sa mga saloobin sa pahayag ng referee na tinulungan niya si Pacquiao na manalo sa kanilang laban 22 taon na ang nakalilipas.


Sinabi ni Padilla na pinahaba niya ang pagbibilang nang matumba si Pacquiao at nag-headbutt. “Kasalanan ito ni Padilla. Siya ang may kasalanan at ang kanyang malaking bibig,” sabi ni Hussein. “If he did something wrong on his part during that fight, he should quiet and shut up. But now, he’s revealed it to the people. Iyon na ang responsibilidad niya, hindi sa amin,” sang-ayon ni Pacquiao.


Sa kabila ng isyu, sinabi ni Hussein na wala siyang hard feelings kay Pacquiao. “I’m a big fan of Manny. Lahat ng boxers may respeto sa ibang boxer,” wika nito. “Balang araw, gagawa tayo ng exhibition.”


Mula pa noong 2007, wala na sa ring si Hussein, ngunit ang balita na may mga exhibition match si Pacquiao ang nagbigay sa kanya ng ideya. “Kung may hamon, gusto kong gawin ito laban kay Manny,” sabi niya. Positibo namang tumugon si Pacman at aniya bukas siyang gawin ito sa Sydney, Australia kung saan nakabase si Hussein.


Bumuo ng special panel ang WBC para suriin ang mga pahayag ni Padilla tungkol sa laban ni Pacquiao-Hussein. Sinabi ni Pacquiao na sa kanyang obserbasyon sa laban matapos marinig ang isyu ay wala siyang nakitang mali sa nangyari. Nadismaya lang si Hussein kay Padilla dahil sa kanyang bias umano na officiating.


Umapela naman ang anak ni Padilla na si Suzy Tuano sa isang liham sa WBC, na ang pahayag ng 88-anyos ama ay Hall of Famer at maaaring na-misinterpret.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page