Tutok kay Rufa Mae na super-sexy… PACQUIAO, BIGLANG NAGING BUSY SA PHONE NANG TITIGAN NI JINKEE
ni Nitz Miralles - @Bida | April 8, 2022

Freelance performer si Rufa Mae Quinto pagdating sa kampanya ng mga presidentiables dahil pagkatapos niyang lumabas sa kampanya nina Bongbong Marcos at Sara Duterte, napanood naman siya sa kampanya ni Sen. Manny Pacquiao.
Sayang ang pamba-bash sa kanya ng mga Kakampink dahil hindi pala exclusive sa UniTeam si Rufa Mae.
Dahil kaibigan ni Rufa Mae si Manila City Mayor Isko Moreno, baka mag-perform din siya sa kampanya nito at puwede rin sa kampanya ni Sen. Ping Lacson.
Naaliw lang kami sa comment ng nakapanood sa video ng performance ni Rufa Mae sa kampanya ni Sen. Manny. Bigla raw yumuko si Sen. Manny at naging busy sa phone pagkatapos titigan ng asawang si Jinkee habang nagpe-perform si Rufa Mae.
Kasi naman, ang sayaw ni Rufa Mae ay may payugyog pa, tapos ang suot, parang any moment, may lalabas. Kahit sino, mapapatingin na normal na reaction ng tao.
Nasa stage ng kampanya ni Manny si Annabelle Rama. Confirmed na si Manny ang presidentiable niya. Sa vice-president, hindi natin alam, pero tiyak na number one senator niya si Herbert Bautista.





Comments