top of page

Tunay na kuwento ng 2 nagwagi sa “pabangka ni El Kapitan” ng Bostik

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 29
  • 2 min read

ni Fely Ng @Bulgarific | August 29, 2025



Bulgarific


Hello, Bulgarians! Noong Abril 11, 2025, inilunsad ng Bostik El Kapitan Marine Epoxy ang “Pabangka ni El Kapitan” promo giveaway sa kanilang opisyal na Facebook page para mabigyan ng pagkakataon na manalo ang mga mangingisda at bangkero sa Luzon ng bagong bangka. Kapalit nito ang pagpapadala ng personal na kuwento tungkol sa realidad ng buhay bilang mangingisda. 


Sa pagtatapos ng promo giveaway noong Hunyo 23, 2025, nag-anunsyo naman ang Bostik Philippines ng mga nanalo pagkatapos makatanggap ng daan-daang kuwentong ipinadala ng mga sumali. 


Sina Joe Frilles Gayta (Sorsogon) at Rodimer Jimenez (Zambales) ang opisyal na mag-uuwi ng bagong bangka at Bostik products sa “Pabangka ni El Kapitan” Luzon promo giveaway matapos ianunsyo ang dalawang nanalo sa harapan ng mga DTI representative noong June 27, 2025.


Sa isiniwalat ni Joe sa Bostik Philippines, ibinahagi niya ang kanyang istorya bilang anak ng isang mangingisda at kung paano sinusubukang itaguyod ng kanyang ama silang tatlong magkakapatid. Tinukoy niya na para sa kanyang ama, kailangan pa ring mangisda kahit masama ang panahon. Ang kuwento ni Joe ay isa sa mga realidad ng kabuhayan ng mga matatapang na mangingisda na lumalayag sa dagat araw-araw. Tinapos ni Joe ang kanyang istorya na hiling niyang ihandog ang bagong bangka sa kanyang ama dahil sa sakripisyo na ipinakita nito sa pamilya at sa patuloy na paggamit ng Bostik product na “El Kapitan” sa pagpapatibay ng kanilang bangka.


Ayon naman kay Rodimer, ang determinasyon niyang itaguyod ang kanyang pamilya ang pinakalayunin sa pagsali sa “Pabangka ni El Kapitan”. Inilahad niya ang iba’t ibang trabaho bilang pintor at taga-masilya na pandagdag-kita sa kanyang pangingisda. Sa patuloy niyang pagsisikap, aniya, hahawakan niya ang kanyang kapalaran para matustusan at maiahon ang pamilya sa kabila ng pagod. Para kay Rodimer, ang “Pabangka ni El Kapitan” ay sumisimbolo ng pag-asa para sa pangarap na gusto niyang matamo na magkaroon ng mas magandang buhay.


Ang kuwento ng dalawang nanalo ay isa lamang sa mga istoryang bumubuo sa libu-libong mangingisda na sumasalamin sa katotohanan ng pagiging manggagawa sa Pilipinas. Ito ang kadahilanan kung bakit patuloy na sinusuportahan ng Bostik Philippines ang mga manggagawa sa pamamagitan ng iba’t ibang programa at makabagong produkto na makakatulong sa kanila.


Sa pagwawakas ng “Pabangka ni El Kapitan” Luzon Promo giveaway, inihahanda na ng Bostik Philippines ang susunod na programa para naman sa mga taga-Visayas. 

Para sa mga gustong sumali, abangan ang anunsyo sa opisyal na Facebook page ng Bostik Philippines: BOSTIK | Facebook.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page