top of page
Search
  • BULGAR

Tumigil sa bisyo, 'di makabuo… ANGELICA, BALIK-TOMA, NABUNTIS

ni Julie Bonifacio - @Winner | May 17, 2022



“Mama Angge” ang tawag ni Meryll Soriano kay Angelica Panganiban nu’ng mainterbyu niya ang preggy actress sa recent vlog niya sa kanyang YouTube channel.


Pinuntahan ni Meryll si Angelica sa Subic, Olangapo kung saan doon na siya naninirahan with her live-in partner na si Gregg Homan.


Ibinulgar ni Angelica sa vlog ni Meryll na gusto na pala talaga nilang magka-baby ni Gregg.


Kaya nu’ng 2021, nag-seek na sina Angelica at Gregg ng medical advise para magka-baby.


Pagkatapos ng ilang buwan, tila gumive-up na raw si Angelica sa pag-asang magkaka-baby. Kaya pagsapit ng Setyembre, lahat daw ng itinigil na mga bisyo ni Angelica for the sake na magka-baby sila ni Gregg ay binalikan na naman daw niya.


Nagdire-diretso raw ang pag-inom at pagpupuyat ulit ni Angelica nu’ng sumunod na buwan hanggang December.


Pagpasok ng 2022, nagsimula nang mag-locked-in taping si Angelica para sa sitcom nila ni Piolo Pascual for ABS-CBN.


Nagbiyahe si Angelica from Subic to Olangapo para sa first day ng locked-in taping niya. Along the way, ihi siya nang ihi na first time raw niyang na-experience.


Pagdating sa set ng sitcom nila ni Piolo at pagkatapos umihi, na-confirm ni Angelica that she’s pregnant sa lumabas na two red lines sa pregnancy kit test.


Kaya stop agad sa bagong show ni Piolo at ang dating Miss Universe na si Pia Wurtzbach ang ipinalit sa kanya.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page