Tumatanda na raw sila… CARLO, TODO-ASANG SOON NA ANG KASAL NILA NI CHARLIE
- BULGAR
- Feb 19, 2024
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | February 19, 2024

Bitbit ng mahusay na actor na si Carlo Aquino ang kanyang girlfriend na si Charlie Dizon sa celebration ng Beautederm owner na si Rei Anicoche-Tan ng Chinese New Year at anniversary ng kanyang beauty products business na ginanap sa Beautederm Headquarters sa Angeles City, Pampanga last February 10.
Lagpas isang taon na ang relasyong Carlo at Charlie. And so far, going strong pa rin daw sila amidst news ng hiwalayan among showbiz couples.
“Oo nga, trending siya,” pagsang-ayon ni Carlo.
Kaya natanong namin si Carlo kung paano nila napapanatili ni Charlie ang kanilang relasyon.
“Privacy is very important. Not everything should be publicized,” diin niya.
Ever since naman, hindi madaldal si Carlo pagdating sa love life niya.
“Opo, para kasing, human nature na kapag maganda ang relasyon, sinisira nila. Saka karamihan sa mga tao, maraming sinasabi sa buhay ng ibang tao,” ngiti niya.
Para ‘di sila maapektuhan ng ibang tao, hindi na lang daw nila iniintindi ang thoughts at pamba-bash ng ibang tao towards them ever since.
Ang mga sinasabi lang daw ng mga taong nagmamahal sa kanila ang nagma-matter for them.
“Pero minsan, inaabutan ka pa rin eh. So, kailangang kalmahin mo ang sarili mo na, ‘Ay, sus! Ginawa lang naman ang account na ‘yan.’ Ay, troll farm lang naman ‘yan.’ Pero, sobrang dami rin ng time, my God,” sabay tawa ni Carlo.
Inamin naman sa amin ni Carlo na tanggap na tanggap siya ng family ni Charlie.
At natanong din namin siya kung may plano na silang magpakasal ni Charlie.
“Hopefully, soon,” pag-amin ni Carlo. “Kasi may-edad na ako. May-edad na rin si Charlie.”
Kinumusta rin namin ang relationship ni Charlie sa anak ni Carlo.
“Okey naman po. (Pero) Hindi pa sila nagkikita.
“Yeah, personal decision. Para lang ano, let’s not talk about that,” biglang iwas ni Carlo.
Gusto raw ni Carlo na i-keep muna ang privacy ng kanyang three-year-old child.
Proud namang sinabi ni Carlo na isa siyang responsableng ama. Nagpo-provide siya financially sa kanyang anak.
“Pero siyempre, minsan may mga late ako ng mga two days lang naman. Minsan kasi, nasa ibang bansa ako. May trabaho ako, ganu’n po,” pagri-reveal ni Carlo.
Nakunan na rin daw ni Carlo ng insurance ang kanyang anak.
This year, baka raw makagawa ulit sila ng movie ni Charlie together. May inaalok daw kasi na movie sa kanila ngayon.
Meanwhile, isa rin si Carlo sa mga itinuturing ni Ms. Rei sa mga mababait at masisipag na brand ambassadors ng Beautederm. Kaya 'di kami magtataka kung magre-renew ulit si Carlo ng kontrata sa Beautederm.
At malay natin, pati si Charlie ay maging endorser na rin ng Beautederm.
Puwede!




Comments