Tumatakbo at nagba-bike, golf at tennis, next! ALDEN, TODO-PAGANDA NG KATAWAN PARA SA MENTAL HEALTH
- BULGAR
- 7 hours ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 8, 2025
Photo: Sharon at Kiko - IG
Kinakarir ni Alden Richards ang kanyang fitness goals dahil kahit gaano ka-busy ay talagang isinisingit niya ito.
“It’s really about time management. Like right now, I can’t go through a week without any physical activity like running or cycling or doing crossfit,” sey ni Alden sa panayam ng Kapuso Insider.
Ayon pa sa Asia’s Multimedia Star, isa na rin daw ito sa paraan para mapangalagaan ang kanyang mental health.
“Kumbaga, the physical benefits of it and me looking good, it’s really more about taking care of my mental health. That’s the main concern and the main reason why I’m really into fitness right now or an advocate for fitness kasi ang sarap niyang gawing platform to inspire people as well,” ani Alden.
“With a platform that I have right now being a celebrity, parang it’s also a way for me to raise awareness to take care of your health, of course, definitely. Hindi lang physical, hindi lang emotional, most especially the mental health. Ganu’n na ‘yung ibig sabihin sa akin ng fitness ngayon,” dagdag pa niya.
Kasama na nga rin sa advocacy niya ngayon ang pagsali sa iba’t ibang charity fun run bilang paraan na rin ng pagsuporta sa mga ito. Kaya ngayon daw ay talagang naiba na ang kanyang lifestyle, mas disiplinado na.
“Oh, God, in the past 3 months, 4 AM pa lang, gising na ‘ko. I sleep early and sometimes, even if I sleep a little late, I still wake up early kasi hinahanap na ng katawan ko. ‘Ano’ng gagawin mo today? Magba-bike ka ba? Tatakbo ka ba? Magdyi-gym ka ba?’
“Ang dami ko ring plano kasi, ang dami ko pang gustong subukan. I want to try tennis, I want to try golf as well.
“So, I think this is my fitness era, I should say. At 33? Hindi pa huli ang lahat. It’s never too late to be fit,” wika pa ng aktor.
NAGUSTUHAN agad ni Sylvia Sanchez of Nathan Studios ang trailer ng South Korean film na Picnic nang makita niya ito nang pumunta siya sa Busan recently, kaya naging interesado siya na bilhin ito at dalhin sa Pilipinas.
“Naglalakad kami (sa Busan), pinalabas bigla ‘yung teaser dito. Tapos, na-stop ako.
Sabi ko, ‘Parang ang ganda-ganda nu’n. Dalawang nanay, dalawang lola, tapos, may lolo.’ So, sabi ko, ‘Kunin natin.’ Kasi tayo, maka-pamilya tayo, eh,” sey ni Ibyang sa premiere night ng Picnic last Tuesday night na ginanap sa Gateway Cinema.
“Actually po, ‘pag bumibili ka abroad, hindi ipapakita sa ‘yo ang buong pelikula, gut feel lang ‘yun, alam mo ‘yun? ‘Pag nakita mo lang at nagustuhan mo, teaser, padadalhan ka, bahala ka sumugal. Pero ‘eto, hindi kami nagkamaling sumugal dito, maniwala kayo,” dagdag pa ng producer-aktres.
Nagdesisyon naman si Ibyang na i-tagalize ang pelikula dahil na rin sa advice ng kanyang mister na si Art Atayde.
“Kasi ‘yung asawa ko, katabi ko, ang ganda-ganda ng Korean movies/series, hindi talaga s’ya manonood kasi hindi niya naiintindihan. Ayaw n’ya magbasa. So, sabi n’ya,
‘I-tagalize n’yo.’ So, ‘eto na ngayon,” aniya.
Para i-tagalize ang Picnic ay kinuha ng Nathan Studios ang serbisyo nina Fyang Smith, JM Ibarra at ng mga veteran stars na sina Nova Villa, Ces Quesada at Bodjie Pascua.
Ani Ibyang, as it is ay maganda na ang Picnic, pero nang na-dub na sa Tagalog ng mga magagaling nating artista ay lalo pa itong gumanda.
“Kung umiyak ako sa Korean (version) nang 5 beses, dito, sobra-sobra. Mas tagos ‘pag Pinoy talaga,” saad ni Sylvia.
Ang Picnic ay isang heartwarming film na may temang tunay na mahalaga para sa mga Pilipino gaya ng pagtanda, mga kumplikadong family dynamics, pakikipagkaibigan, at ang paglalakbay ng mga kababaihan bilang mga ina.
Nakakaantig ang Picnic sapagkat ipinapakita nito ang tunay na pagmamahalan na subok na ng panahon.
Ang mga orihinal na aktor na tampok sa Picnic ay ang South Korean superstars na sina Na Moon-hee (dubbed by Ces Quesada), Kim Young-ok (dubbed by Nova Villa), at Park Geun-hyung (dubbed by Bodjie Pascua).
Si Fyang naman ang nag-dub ng young Ces Quesada habang si JM ang batang Bodjie Pascua.
A Mother’s Day offering by Nathan Studios, nagsimula nang ipalabas ang Picnic sa mga sinehan kahapon, May 7.