top of page

Bagong buhay na raw… DANIEL, MAS PINILING MAGTANIM KESA MAG-PARTY NU’NG B-DAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 hours ago
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | May 8, 2025



Photo: Daniel Padilla - IG


Nag-celebrate kamakailan si Daniel Padilla ng kanyang 30th birthday.

Kakaiba ang ginawang selebrasyon para sa kanyang kaarawan. Makabuluhan ang pagdiriwang niya kasama ang ilan niyang mga loyal fans.


Nakiisa ang Incognito star sa isinagawang tree planting na in-organize ng isa sa mga produktong ineendorso niya.


Makikita ang mga litrato ni Daniel kasama ang kanyang mga supporters na nagtanim ng mga puno sa Batangas.


Ang laki na nga ng ipinagbago ni DJ. Kung noon, bawat birthday niya ay pa-happy-happy lang, ngayon, nagiging environmentalist na siya.



Eighth wedding anniversary na ni Beauty Gonzalez at ng mister nitong si Norman Crisologo.


Ikinasal ang couple noong 2017 na ginanap sa Tagaytay.


Nagbahagi ng nakakakilig na mensahe ang aktres na nilakipan niya ng throwback photos nila ng mister ng kanilang bonding moments at saka ipinost sa kanyang Instagram (IG) account.


“I did, I do, I will. Hanggang sa dulo ng mundo, ikaw pa rin at ako. Happy wedding anniversary!” ani Beauty sa caption. 


Umani ng papuri at congratulatory messages ang nasabing post mula sa mga fans at followers ni Beauty.


Kilala ang mag-asawa sa kanilang lowkey ngunit matatag na relasyon, sa kabila ng pagiging public figure ni Beauty at pagiging respetadong art curator ni Norman.


Sa loob ng 8 taon ng kanilang pagsasama, madalas na nakikita ang kanilang bonding moments sa social media, lalo na ang kanilang mga biyahe kasama ang anak nilang si Olivia.



Sa Monday, May 12, na ang 2025 elections.

First time na sumabak sa mundo ng pulitika si Luis Manzano na tumatakbong vice-governor ng Batangas at running mate ng inang si Vilma Santos-Recto bilang gobernador.


Kaya naman ang misis niya na si Jessy Mendiola ay abot ang pag-aalala at dasal para sa TV host. Very supportive si Jessy at number one cheerleader ni Luis.


May mensahe ang aktres para kay Luis sa gitna ng papalapit na eleksiyon.

Aniya, “Ngayon pa lang, I’m so proud of you. Ibigay man sa ‘yo o hindi na makamit ang position ng pagiging vice-governor, sa pagkakataon na ito, isa lang ang masasabi ko — napatunayan ko kung gaano kalaki ang puso mo at kung gaano kasipag para lang ipamahagi sa iba ang magandang layunin ng #ViLucky2025. Ngayon pa lang, sigurado ako na hindi mo bibiguin ang mga umaasa sa ‘yo.”


Naririnig din ang kanyang boses sa campaign rally ng asawa kahit sa kainitan ng araw.

Mensahe niya, “Sa lahat po ng mga minamahal naming mga Batangueño, maraming salamat po sa pagmamahal ninyo kay Luis. Nakakataba po ng puso. Thank you, Lord — for giving Luis the strength to go through this. Lahat ng bayan at lungsod ng buong lalawigan ng Batangas ay sinuyod mo at kinumusta. We love you, @luckymanzano.”


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page