Tumakbong partylist representative… NORA, 'DI PUMASA SA COMELEC, AYAW NA SA PULITIKA
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | February 04, 2022

Nang hindi nakapasa sa COMELEC ang partylist na NORAA, maluwag sa dibdib na tinanggap ito ng Superstar na si Nora Aunor. Hindi na siya umapela pa at inirespeto ang desisyon ng COMELEC.
Pinayuhan din niya ang mga Noranians na maging mahinahon at 'wag nang maghabol.
Ngayon, nakikita si Aunor na nag-eendorso ng Bicol Saro Partylist. True blooded Bikolana si Nora na ipinanganak sa Iriga, Camarines Sur. Mahusay siyang magsalita ng Bikolano kahit matagal siyang nanirahan sa Maynila.
Well, sa dami ng Bikolano na nasa iba't ibang parte ng 'Pinas naninirahan, tiyak na makakalusot ang Bicol Saro Partylist kung iboboto ng lahat ng mga Bikolano.
Endorser lang ngayon si Aunor at hindi nominee ng partylist. Pero, all-out ang kanyang tulong at suporta na ibinibigay sa Bicol Saro.
Inaasahan ni Guy na tutulong at makikiisa ang lahat ng mga Noranians sa kanyang mga kababayan na namumuno sa Bicol Saro Partylist.





Comments