top of page

Tumagal ng 5 yrs., hiwalay na… ALEXA, KUMANTA KUNG BAKIT GUSTONG ITAGO NI SANDRO ANG RELASYON NILA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 26, 2025



Matthew Lhuillier at Chie Filomeno - IG

Photo: Alexa Miro interview via Janiz Navida / Bulgar



Diretsahang pinangalanan ng aktres at singer din palang si Alexa Miro ang Presidential Son na si Sandro Marcos bilang ang tinutukoy niyang on-and-off boyfriend niya for 5 yrs..


Nakausap namin ang aktres-TV host-singer sa ginanap na mediacon kahapon para sa bagong season ng Sing Galing sa TV5, ang Sing Galing: Sing-lebrity Edition.


Nakakabilib ang alaga ni Tyronne Escalante dahil napaka-honest nitong kausap at diretso niyang sinagot ang mga tanong tungkol sa 5 taon nga nilang relasyon ni Sandro.

Tinanong kasi namin siya kung part lang ba ng promo ng Sing Galing ang pag-amin niyang hiwalay na sila ng long-time boyfriend.


Diretsong sinabi ni Alexa na na-hurt siya nang malaman ang tungkol kina Sandro at Franki Russell at ‘yun ang nag-trigger sa kanya para magsalita sa Tiktok livestream tungkol sa naging relasyon nila at sa breakup nila ngayon.


“Hindi naman po ako gumigimik o nag-iingay. Meron lang po akong personal na nararamdaman, pinagdaraanan sa buhay ko kaya ako nakapag-Tiktok live nga at kaya ko nasabi ‘yung mga nasabi ko ru'n, pero wala naman akong gustong saktan o paringgan talaga,” bungad ni Alexa na blooming naman at hindi obvious na brokenhearted.

Pero aminado siyang galit siya kaya nagawa niya ‘yun at ‘yun lang ang naisip niyang venue. 


Ayaw na lang sabihin ni Alexa kung gaano na sila katagal na hiwalay ni Sandro pero very fresh pa raw at mutual decision naman ‘yun.


Hindi pa raw nag-reach out sa kanya si Sandro after niyang magsalita, pero sa kabila ng hiwalayan nila, pinuri pa rin niyang mabait ang ex-BF at nagkaroon lang daw sila ng hindi pagkakasundo.


When asked if open pa siya for reconciliation, “Tingnan natin,” ang sagot ni Alexa.

At sa kabila ng nangyari, aniya, “Oh, I always have love for him, that will never change.”

Tinanong namin si Alexa kung nag-reach out din ba sa kanya si Franki Russell at aniya, siya ang nag-block dito para sa kanyang peace of mind dahil ayaw na niyang ma-tempt na i-stalk pa ito para i-compare ang kanyang sarili. 


Natanong din namin si Alexa tungkol sa nabanggit niya sa Tiktok livestream niya na hindi siya ina-allow ni Sandro na magsalita sa relasyon nila. Naitanong ba niya kay Sandro ang dahilan kung bakit?



Photo: IG @alexamiro / FB Sandro Marcos

Photo: IG @alexamiro / FB Sandro Marcos



Sagot nito, “The reason behind that decision was for safety purposes and precautions because siyempre po, sila po ang ating First Family.”


Bakit siya pumayag na itago ang relasyon nila?


“Malaki po ‘yung tiwala ko sa bigger picture. Even though there are many things that we don’t understand, I believe it's always right to look at the bigger picture.”


Gusto rin naman daw siyempre ni Alexa na open sana ang kanilang relasyon ni Sandro pero naiintindihan nga niya ang sitwasyon nila na mas private, mas tahimik.


Nilinaw din ni Alexa na wala namang ibang tao sa parte ni Sandro na nagsabing itago nila ang kanilang relasyon.


Pinuri rin niya ang pamilya ng ex-BF na mababait naman.


Well, sa ngayon, hindi pa raw alam ni Alexa kung ano na ang mangyayari sa kanila ni Sandro, pero sa tono ng pananalita niya, mukhang open pa naman ang aktres-TV host-singer sa balikan. 


Hindi nga naman ganu'n kadali na itapon ang 5 taon nilang relasyon lalo na kung talagang nagmahalan naman sila.


Pero sa ngayon, makakatulong na rin siguro sa healing ni Alexa ang pagiging bahagi ng Sing Galing: Sing-lebrity Edition bilang isa sa mga contestants.


Muling mapapanood ang kinatutuwaang video-kantawanan show ng mga hinahangaan nating celebrities, ang Sing Galing: Sing-lebrity Edition (SGSE) simula sa Sept. 27.

Forty-eight na Sing-lebrities ang maglalaban-laban para sa kanilang beneficiaries at para tanghaling susunod na “Ultimate Bida-oke Sing-lebrity.”


Magbabalik bilang Sing Masters si Donita Nose kasama sina K Brosas at Randy Santiago. 


Magsisilbi namang Jukebosses ang Sing-nior Hitmaker na si Rey Valera kasama sina Ariel Rivera, Nina, Ella May Saison, Mitoy Yonting at Ethel Booba.


Kabilang naman sa 48 celebrities na sasali sina Romnick Sarmenta, Dominic Ochoa, Nikko Valdez, Meryll Soriano, Carmi Martin, Valerie Concepcion, Patricia Javier, Leandro Baldemor, Anton Diva, Tetay, Keanna Reeves at iba pa.


Makakasama rin ang mga Sing-tokers na sina Queenay Mercado, Gab Pascual, Yanyan de Jesus, Muse Jazz at Niko Badayos.


Mapapanood ang second season ng Sing Galing: Sing-lebrity Edition tuwing Sabado, 7:00 PM at Linggo, 8:00 PM simula Sept. 27-28 sa TV5, Sari-Sari Channel at BuKo Channel.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page