Tuluyan nang naglalaho ang bagsik ng COVID-19
ni Ka Ambo - @Bistado | November 20, 2021
KINASUHAN si Pastor Apollo Quiboloy ng US prosecutor sa kasong sex trafficking.
Paano kaya itina-traffic ang sex?
◘◘◘
PUWEDE nang maglagay ng political ads sa social media.
Mainam naman!
◘◘◘
SAKALING magwagi bilang senador, babaguhin daw ni P-Digong ang proseso sa inquiry.
Kailangan muna siyang maging senate president!
◘◘◘
INAASAHAN nating babalik si ex-PGMA bilang Speaker ng Kamara ng mga Representante.
Huwag sana silang magbungguan ni P-Digong!
◘◘◘
INILIPAT ni Sen. Bong Revilla ang chairmanship ng Lakas-CMD kay Mayor Sara.
Mas malakas ang Lakas-CMD kaysa sa nawasak na PDP-Laban!
◘◘◘
INUUPAKAN ni P-Digong ang isang presidential candidate na nagdo-droga raw.
Panibagong away ini!
◘◘◘
DESIDIDO si Sen. Bong Go na kumandidatong president to-the-bones.
Marami pa siyang pang-sopresa!
◘◘◘
NAKALASAP ng kalayaan ang mga menor-de-edad.
Nakalaya sila sa gapos ng kompyuter!
◘◘◘
BINOMBA na naman ng mga Tsino ang mga Pinoy sa West Philippine Sea.
Tubig ang ipinambomba!
◘◘◘
TULUYAN nang naglalaho ang bagsik ng COVID-19.
Lahat ng virus ay ganyan ang kinauuwian!
◘◘◘
PINAAATRAS ni Gov. Chavit sa pagkandidato si Sen. Manny Pacquiao.
Eh, bakit?
◘◘◘
KINUMPISKA sa Adwana ang imported onions mula China.
Matagal na 'yan!
◘◘◘
ITINAKDA ang 3-days massive vaccination nationwide.
Sana totoo!
◘◘◘
NAGHIHINTAY pa rin ang mga local bets kung sino ang dapat nilang suportahan bilang pangulo.
Naghihintay ng campaign fund!





Comments