Tuloy pa rin sa live selling… MARIEL, ‘DI PA RIN MA-FEEL NA MISIS NA NG SENADOR
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | November 24, 2022

Masaya at napaka-bubbly ni Mariel Padilla at excited sa bagong show niya sa AllTV Network with Ruffa Gutierrez and Ciara Sotto, ang M.O.M.S. (Mhies On A Mission) na mapapanood na simula sa Lunes, Nov. 28, 11 AM to 12 NN.
Ang M.O.M.S. ay ang kauna-unahang show na produced ng AllTV Network Channel 2.
Kakaiba ang morning talk show na ito dahil magkakaiba ang personalidad ng tatlong “Mhies” na hosts ng show.
May kani-kanya rin silang katangian pero hindi sila magkakasapawan sa pagho-host ng M.O.M.S..
Si Ruffa Gutierrez ang palabang Mhie. Si Mariel Padilla naman ang madiskarteng Mhie.
At si Ciara Sotto ang sporty at energetic na Mhie.
Maganda ang chemistry nilang tatlo at happy lagi sa set. Masaya si Mariel dahil after six years ay balik-TV hosting siya.

Hindi naman nagkakaroon ng conflict sa kanyang career ang pagiging senator’s wife.
Kaya naman niyang balansehin ang kanyang oras sa career at pamilya.
For now, hindi pa raw nagsi-sink in kay Mariel na asawa siya ng isang senador. Pareho pa rin naman ang routine na kanyang ginagawa. Naaasikaso pa niya ang mga pangangailangan ng kanyang mister.
Ang medyo maaapektuhan lang ngayong may daily show na siya ay ang kanyang pagla-live selling at ang kanyang food business, ang Cooking ng Ina N’yo.
Kamakailan ay nag-celebrate ng birthday si Sen. Robin Padilla. Ayaw daw nito na pagkaabalahan pa na ibili siya ng regalo. Sapat na ang pagmamahal at pag-aasikaso sa kanya ni Mariel.





Comments