top of page
Search
BULGAR

Tuloy ang paghatid ng tulong sa mga biktima ng bagyo

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Nov. 3, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Tuluy-tuloy ang pagbibigay tulong ng pamahalaan para sa mga biktima ng mga Bagyong Kristine at Leon.


Sa kasalukuyan, 217 na bayan at 29 na lungsod mula sa 14 na probinsya ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa matinding epekto ng dalawang bagyo.


Ayon pa sa balita, ang buong lalawigan ng Albay, Batangas, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Cavite, Laguna, Quezon, at Sorsogon ay nagdeklara na ng state of calamity.


Tinatayang aabot sa 2,028,282 pamilya ang naapektuhan at 743,576 katao ang kasalukuyang nasa mga evacuation center.


Nauna nang sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umabot na sa 150 ang mga namatay dahil sa mga Bagyong Kristine at Leon.


Samantala, naitala din na umabot na sa 30 katao ang nawawala at 122 naman ang nasugatan.


Dagdag ng ahensya, naglaan ng P895.658 million ang pamahalaan para tulungan ang mga naapektuhan ng bagyo.


Ayon naman sa DSWD, 890,000 relief packs na ang kanilang naipamigay sa mga apektadong LGU.


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page