Tulfo, kinunsensiya dahil ayaw siyang tulungan… SIGAW NI MAEGAN: NAG-SHABU AKO PARA 'DI MA-GANG RAPE
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 7, 2023

Follow-up ito sa nasulat namin dito sa BULGAR kahapon tungkol kay Maegan Aguilar na nag-positibo sa Metamphetamine o shabu sa drug test na isinagawa sa kanya sa pamamagitan ng hair follicle.
Kaya ang tulong na inaasahan niya mula kay Senator Raffy Tulfo na napanood pa sa Raffy Tulfo in Action YouTube Channel ay hindi niya nakuha.
Pinayuhan siya ni Idol Raffy na magpa-rehab ngunit maraming katwiran si Maegan, bagay na hindi tinanggap ng senador dahil ayaw niyang masira ang kredibilidad niya sa taumbayan kapag ibinigay nito ang gusto ng anak ni Ka Freddie Aguilar.
Bago nagtapos ang usapan nila ay nagkasundong papasok na ng rehabilitation center si Maegan para totally ma-detox siya.
Pero mukhang may ibang isyu na naman ang singer dahil may kumalat na video niya nu'ng Linggo nang gabi na naglalakad sa kalsada na naka-duster at maririnig ang ingay ng mga sasakyan sa paligid.
Bungad ni Maegan, “Freddie Aguilar! Ama ko, siguro naman, masaya ka na ngayon, 'di ba?
Masaya ka na, 'di ba? Mamatay na ako, 'di ba ito ang gusto mo? Tuwang-tuwa ka, 'di ba?”
Palakad-lakad si Maegan na tila hindi alam kung saan pupunta at halatang walang tulog sa sobrang haggard ng hitsura at hinahabol din ang hininga na medyo nabubulol pang magsalita.
Patuloy niya, “Alam ko, magpapa-piyesta ka kapag namatay ako. Alam ko, ikatutuwa mo ‘yan, kayong lahat magse-celebrate. Hay, salamat patay na ‘yung iniwan n’yo! Akala mo ba, matatahimik ka kapag namatay ako? Akala mo mananahimik ka? Hindi ka mananahimik, diretsong impiyerno ako, isasama ko kayo!”
Sinisisi rin ni Maegan ang lahat ng taong hiningan niya ng tulong dahil aniya, lahat ng ito ay tinalikuran siya at may mga binanggit siyang pangalan na ampon ng pamilya Aguilar na may nagawang hindi maganda pero kinupkop pa rin ng kanyang ama.
May binanggit din si Maegan na pangalang may drug lab (laboratory) sa bahay nito, “Itinago n’yo lang sila? Tapos ako, I’m willing to take the fall. Sige, I’ll take the fall. Pero hindi ko kayo patatahimikin. Kasalanan n’yo ‘to.”
Sa napanood naming video, naglalakad ang anak ni Ka Freddie sa overpass at dito niya nasambit na hindi na pala siya tutulungan ni Idol Raffy.
“Hindi na pala ako tutulungan ni Sen. Raffy Tulfo du'n sa rehab na sinasabi, 'di ba? Tinawag na akong adik kasi nag-one time use ako, kasi napunta kami sa malayong lugar, sa place na hindi naman namin kilala. And ‘yung pinuntahan namin, I have to choose between getting gang rape or doing a hit of shabu with these people, okay? Na ayaw namang (paniwalaan) ni senator (at) nagsinungaling daw ako."
Kasunod nito, aniya, “Naghahanap po ako ng mataas na building at tatalon na po ako para matapos na, wala naman po sa akin ang mga anak ko, eh.
“Antayin n’yo na lang po ako kapag nasa taas na ako ng building, malapit na po akong makakita. Tatalon na po ako."
Paulit-ulit ding sinabi ni Maegan na ayaw na niyang mabuhay dahil wala naman sa kanya ang mga anak niya at tinalikuran na siya ng kanyang pamilya.
Samantala, sa isang post ni Maegan sa kanyang Facebook account na Maegan Verona Aguilar ay nagkomento ang kanyang biological mother na si @Josephine Queipo, “Do the rehab Megs and doors will open up again (emojis praying hands and heart)."
Sinagot ni Maegan ang ina, “@Josephine Queipo, Oh, hello stranger! Of course I'll do the rehab, I have a far better chance of getting better w/ the support system there rather than having you and tatay back in my life again.”





Comments