Tulfo kay Frasco: Turismo ang i-promote, 'wag mukha mo
- BULGAR

- 13 hours ago
- 2 min read
ni Mylene Alfonso @News | February 4, 2026

File Photo: Senate of the Philippines
Ginisa ni Senador Raffy Tulfo si Tourism Secretary Christina Frasco matapos niyang ipakita ang mga tourism promotion materials na may mukha ng kalihim.
Sa isinagawang pagdinig ng Senate committee on Tourism, sinabihan ni Tulfo si Frasco na hindi makatutulong ang pagiging tila vlogger ng kalihim sa pag-unlad ng turismo ng Pilipinas.
“Isa pa, sa nakikita ko, I'm very sorry, Secretary Frasco. Parang lumilitaw na ikaw ay nagiging vlogger na it will not sell 'pag doon sa mga marketing materials natin, puro mukha mong nakalagay doon. It shouldn't happen,” wika ni Tulfo.
Ipinakita rin ni Tulfo ang magazine sa Japan na may mukha ni Frasco at mga groundbreaking ceremony sa halip na umano’y mga tanawin sa bansa.
“Halimbawa meron tayong, meron 'tong sa Japan, Japan ba ito na magazine. I think it's a free magazine. Pagkakataon na sana natin na para sumikat tayo sa Japan. Sa halip, ang nakalagay dito, ikaw, ikaw ng ikaw, and then, 'yung mga groundbreaking, pinapakita natin sa halip na dapat, 'yung underground river, 8 wonders of the world, Tabon cave... ang pinakita doon, kayo po at saka 'yung mga groundbreaking ceremony, which will not sell,” punto niya.
“If we want to sell, ipakita po sana natin ‘yung mga tanawin o ‘yung mga reasons why tourists will visit the country,” diin ni Tulfo.
Samantala, dumepensa naman si Frasco at iginiit na ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho para ma-promote ang mga tourist destinations sa Pilipinas.
“I did not pay for that magazine, no government funds were used for that magazine, and my consent was never obtained in the use of my image for that magazine,” ayon kay Frasco.
Wala rin umano siyang balak tumakbo para sa 2028 national elections.








Comments