Tulfo hiniling na sawayin ang spokesperson ng impeachment court

by BRT @News | October 5, 2026

Photo: Senate PH
Hiniling ni Senator-judge Raffy Tulfo na sawayin ng Senate impeachment court ang spokesperson nitong si Reginald Tongol dahil umano sa paulit-ulit na pagkakamali at pag-uunahan sa mga desisyon ng tribunal.
Kasunod ito ng pahayag ni Tongol sa media na maaaring magkaroon ng final verdict sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte sa Disyembre 16.
Ayon kay Tulfo, hindi dapat nauunahan ng spokesperson ang mga senator-judge dahil maging sila mismo ay wala pang alam sa magiging takbo ng paglilitis.
Tinanong din ni Tulfo si Presiding Officer Sen. Francis “Chiz” Escudero kung tama ang sinabi ni Tongol. Sagot ni Escudero, “not entirely accurate” ang naturang pahayag.
Ipinaliwanag ni Escudero na ang Disyembre 16 ay nakabatay lamang sa math at trial calendar sa pretrial order, at hindi pa nangangahulugang iyon na ang aktuwal na petsa ng magiging hatol.





Comments