top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Tuldukan ang pang-aabuso... DAPAT ITAAS ANG AGE OF CONSENT PARA SA SEXUAL ACTIVITY SA BANSA

BULGAR
Sep 30, 2021
2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | September 30, 2021



Ipinasa na ng Senado sa third and final reading ang panukalang-batas na nagtataas ng age of consent mula 12-taong gulang sa 16-taong gulang.


Sa botong 22-0-1, ipinasa ang Senate Bill No. 2332, An Act Increasing the Age for Determining Statutory Rape and other Acts of Sexual Abuse and Exploitation to Protect Children, noong Lunes.


Naglalayon itong amyendahan ang Republic Act (RA) No. 3815 (Revised Penal Code) at RA No. 7610 o ang Special Protection of Children against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.


Magkakaroon ng bicameral conference committee para talakayin ang version ng Lower House at Senate at ayusin ang mga probisyong hindi tugma bago ito ipadala sa pangulo para sa kanyang pirma.


☻☻☻


Kapag naisabatas na, magiging guilty na sa rape ang adult na may sexual activity kasama ang menor-de-edad na 16-taong gulang pababa kahit pa may pagpayag ng bata.


Magiging gender-neutral na rin ang proteksiyon sa mga bata. Napansin kasi na mas mababaw ang ipinapataw na parusa sa mga gumagahasa ng mga batang lalaki kaysa sa babae.


Mayroon ding “Romeo and Juliet” clause na nagbibigay ng exemption sa criminal liability sa consensual sex ng partners na 16-taong gulang pababa basta hindi lalagpas sa 3-taon ang agwat ng kanilang edad.


Hindi mag-a-apply ang exemption kung 13-taong gulang o mas mababa pa ang edad ng biktima.


☻☻☻


Sa kasalukuyan, isa ang Pilipinas sa may pinaka-batang age of consent.


Marami sa mga kababayan natin ang matagal nang nanawagan sa pagtaas ng age of consent.

Bilang isa sa mga sponsor ng panukalang-batas, natutuwa tayong magkakaroon ng dagdag-proteksiyon ang kabataan laban sa pang-aabuso.


Nawa’y sa lalong madaling panahon ay maisabatas na ang panukalang ito.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang pahalaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page