Tulay sa kanila ni Dominic… VIDEO NA GUSTONG SAKTAN NI BEA SI IAN, VIRAL
- BULGAR

- Jul 12, 2024
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | July 12, 2024

Nag-viral ang video ni Bea Alonzo nu’ng magkita sila ni Ian Veneracion sa isang out-of-town event. Maigsi lang ang video pero kuhang-kuha ang ginawang pagbibiro ni Bea kay Ian.
Makikita sa video na pagbaba ni Bea sa kanyang van ay nilapitan, hinawakan ng kanyang dalawang kamay ang mga braso ni Ian at niyugyog ang dating leading man sa Kapamilya teleserye nila noon, habang hawak at pinipigilan ni Ian ang dalawang braso ni Bea na tila gusto siyang saktan.
Biro ni Bea kay Ian, “Dahil sa ‘yo! Dahil sa ‘yo.”
Natatawa naman si Ian sa sinabi ni Bea sa kanya.
Pero binuweltahan ni Ian si Bea sa pagsabi na bakit ‘di nagparamdam sa kanya ang bida ng Kapuso teleseryeng Widows' War.
Sa mga ‘di naka-gets ng tsikahan nina Bea at Ian, heto ang detalye.
Sa past interview ni Ian, nabanggit niya na siya ang nagpakilala kay Bea sa ex-fiancé nitong si Dominic Roque.
Sina Ian at Dominic ay madalas magkasama dahil pareho silang nagmo-motor. At si Dominic ang nagsabi kay Ian ng kanyang intensiyon na gusto niya si Bea.
Super support naman si Ian kay Dominic for Bea. Kaya si Ian ang naging tulay para magkakilala ang mga ito habang ginagawa nila ang drama series na A Love To Last.
Dito rin sa nabanggit na drama series nagkasama sina Bea at Julia Barretto na gumanap bilang isa sa mga anak ni Ian.
Gets n’yo na?
Kahit super-sipag naman daw…
ANAK NINA VHONG AT BIANCA, TSUGI NA SA SERYE NI COCO

NAGPAKITA ng super nice gesture ang batang aktor na si Yce Navarro sa mga co-actors and directors na nakasama niya sa action-series na pinagbibidahan ni Coco Martin, ang FPJ’s Batang Quiapo (BQ).
Ipinakilala si Yce sa larangan ng pag-arte sa pagganap niya bilang si Ruben na sidekick ni Elijah Canlas sa serye.
Napatay ni Coco si Yce, pati na si Elijah, sa serye kaya nawala ito. Sa kanyang pagkawala, ‘di naman niya nakalimutang pasalamatan ang mga nakasama sa Kapamilya teleserye via his Instagram (IG) account.
Caption ni Yce sa ipinost niyang series of photos sa set, “It’s hard to gather my thoughts and feelings as I watch myself die before my very eyes… Wow, haha! But, looking back, there were nothing but great memories these past several months."
Isa-isa niyang pinasalamatan ang mga nakasama sa show tulad ng mga staff, prod people, directors na sina Direk Malu, Direk Darnel, Direk Kevin, Direk Vince, Direk Jen, Direk Ambo sa pag-aalaga at pagga-guide raw sa kanya para mag-grow as an actor.
"Sorry po kung minsan, ‘di ko nasusunod o nagagawa nang tama ‘yung direksiyon n’yo, kaya sobrang thankful po ako sa patience n’yo sa ‘kin. Thank you rin dahil sa inyo, na-realize ko na ito po talaga ang career na gusto kong gawin. Sana maka-work ko kayo ulit. Hehe."
Pati ang mga kapwa actor ay pinasalamatan ni Yce dahil nagkaroon daw siya ng mga kaibigan sa set ng BQ.
“Sa lahat po ng bumubuo ng Batang Quiapo, maraming salamat po! More power po sa inyo! Support pa rin ako siyempre! ‘Yun lang naman. Bounce na ako, boi! Ruben, signing out (peace sign).”
Sa comment section ay binati si Yce ng kanyang proud parents na sina Vhong Navarro
and Bianca Lapus.
Pagbati ni Vhong, “Great job, Yce! (clap and heart emoji).”
Komento naman ni Bianca, “Can I just say that I am such a proud mom? Reading your
heartfelt message shows the kind of man you truly are.
“More than your achievements, it is your good heart and humility that makes me truly proud. Praying for more projects and opportunities for you ‘coz I saw your passion and hardwork you did sa BQ despite the real life bruises and cuts, you were always excited to be on the set or when you guys have trainings/workshops.
“Gonna miss your secret video greetings and photos with Jelo and Ara, it always made me happy, too. Hehehe. Congratulations! I love you so much!”
Nag-comment din si Ara Davao sa IG post ni Yce, “Nakakaiyak na naman, hay! Congrats ACE!! Sky’s the limit."
Good job, Yce Navarro. Looking forward na kami sa next project ng panganay nina Vhong Navarro at Bianca Lapus.




Comments