Tulay sa Davao, gumuho
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | May 20, 2026

Photo: Davao CDRRMO
Bumigay ang Callawa-Mandug Bridge sa Purok 2, Brgy. Callawa, Davao City matapos rumagasa ang tubig-baha dulot ng malakas na mga pag-ulan nitong Lunes ng gabi.
Ayon sa Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office, malawak ang naging pinsala ng tulay kaya hindi ito madaanan ng mga sasakyan.
Nagsasagawa pa ng assessment ang mga awtoridad upang matukoy ang eksaktong lawak ng pinsala.
Hinahanapan na rin ng lokal na pamahalaan ng alternatibong daan ang mga na stranded na motorista.





Comments