top of page
Search

ni Jeff Tumbado @News | July 27, 2023



ree

Umabot sa limang construction worker ang nasawi makaraang mabagsakan ng makapal na steel bridge habang nagkukumpuni ang mga ito sa Davao City.


Nakilala ang mga biktima na sina Rolando Abing, Jay Bangonan, Jimboy Liga, Cris Napao at Elmer Samson, na pawang binawian ng buhay habang isinusugod sa iba't ibang ospital ng lungsod.


Bukod sa mga nasawi, dalawa pa sa kanilang kasamahan ang malubhang nasugatan na tinukoy na sina Meljay Pero at Jonathan Dispo.


Nabatid kay Police Captain Hazel Tuazon, nagkakabit ng side panel ng tulay sa Bgy. Malamba, Marilog District ang mga biktima nang biglang bumagsak ang nasa 43 metro haba na steel bridge.


Tatlo pang manggagawa ang nakaligtas nang makaalis agad sa tulay bago ito bumagsak.

Sinasabing gumagamit umano ng boom truck ang mga biktima na nasa gitna ng tulay nang mangyari ang trahedya.


Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang naging sanhi sa pagbigay ng tulay.


Napag-alaman na nasa 70 percent na tapos ang tulay na magiging kapalit sana sa hanging bridge na tatlong dekada na umanong ginagamit ng mga residente sa lugar.


Nangako umano ang contractor na sasagutin ang gastusin sa mga manggagawang nasawi at maging sa mga nasugatan.


 
 

ni Lolet Abania | June 15, 2022


ree

Magpapatupad ng gun ban ang Philippine National Police (PNP) para sa magkahiwalay na inauguration rites nina President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Manila at Vice President-elect Sara Duterte sa Davao City.


Ayon kay PNP Director for Operations, Police Major General Valeriano de Leon, ang gun ban sa Davao Region ay magiging epektibo mula Hunyo 16 hanggang 21 para sa inaugural ceremony ni VP Sara sa Hunyo 19 habang sa Hunyo 27 hanggang Hulyo 2 sa Metro Manila para sa oathtaking ni P-BBM na nakatakda sa Hunyo 30.


“That [gun ban] is three days before [the event] and two days [after the event] because we have clearing areas... if ever there is an incident that warrants investigation,” pahayag ni De Leon sa isang press conference ngayong Miyerkules.


Ang June 19 event ay magaganap sa San Pedro Square sa Davao City, habang ang June 30 ceremony ay isasagawa sa National Museum sa Manila.


“The suspension (gun ban) covers the period of full preparations, deployment and implementation of the security measures for the oath-taking events of the two highest ranking officials of the country,” giit ni De Leon.


“That was our recommendation that was approved (by PNP officer in charge Police Lieutenant General Vicente Danao Jr.),” dagdag ng opisyal. Nang tanungin siya, kung ang gun ban ay senyales ng anumang nai-report na threat o banta kaugnay sa magaganap na mga inagurasyon, saad ni De Leon, mas makabubuting manatiling mapagbantay.


“We are validating raw information. We do not discount any information that reaches our office. We quickly send them to Directorate of Intelligence for validation,” sabi ni De Leon. “Be that as it may, we are ready for anything,” aniya.


Ayon pa kay De Leon, nasa tinatayang 3,700 pulis ang itatalaga sa seguridad ng oathtaking ni VP Sara habang humigit-kumulang sa 6,000 ang ide-deploy para sa oathtaking ni P-BBM.


 
 

ni Lolet Abania | May 9, 2022


ree

Tinuldukan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang balota para sa 2022 national at local elections ngayong Lunes nang hapon.


Dumating si Pangulong Duterte sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa Davao City bandang alas- 4:00 ng hapon, kasama ang kanyang longtime aide na si Senator Christopher “Bong” Go.


Huling eleksyon ito na bumoto ni Pangulong Duterte bilang pinakamataas na lider ng bansa, kung saan magtatapos ang kanyang anim na taong termino sa Hunyo 30.


Tumanggi naman ang Pangulo na mag-endorso ng potensiyal na susunod na presidente ngayong eleksyon, subalit nagpahayag ng buong suporta sa vice presidential bid ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page