Tulad sa ibang sakit, pandemyang dulot ng COVID-19, mapagtatagumpayan kahit wa’ vaccine!

ni Ka Ambo - @Bistado | December 18, 2020
Nayanig ng magnitude 6 earthquake ang Mindanao.
Nanangkupooo!
◘◘◘
Nag-aagawan ang daigdig sa COVID vaccine.
Bago ito makarating sa mga Pinoy — mayroon nang “herd immunity”!
◘◘◘
Tulad sa nagdaang mga pandemic, kusang naglalaho ang talab ng anumang virus.
Alam ‘yan ng mga eksperto.
At kahit wala pang bakuna, biglang maglalaho ang pandemic.
‘Yan ay aktuwal nang naganap at tiyak na muling magaganap!
◘◘◘
Humihingi ng advance payment ang mga vaccine distributor dahil maaaring “iatras” ang order — kapag biglang nawala ang virus sa mga susunod na ilang buwan.
Ang inilalantad ng media ay ang “negatibong larawan” ng pandemic.
Hindi natin naririnig ang “positibong senaryong ito”!
◘◘◘
Nauna nang kinatakutan ang epidemya ng HIV-AIDS, ebola, zika at mismong SARS.
Hindi kailanman nakatikim ng vaccine laban sa mga naturang sakit ang mga Pinoy — pero kusang naglaho ang mga ‘yan.
Ganyan din ang kauuwian ng COVID-19.
‘Yun nga lang, sinisikap iwasan ng mga awtoridad na mapaliit ang bilang ng mga namamatay habang nananalasa ang peste!
◘◘◘
Ang problema, dahil sa negatibong paglalarawan ng media, mas marami ang namamatay sa iba’t ibang klase ng sakit dahil sa stress.
Dahil sa negatibong senaryo, unang biktima ang pagbagsak ng ekonomiya!
◘◘◘
Marami ang nawalan ng trabaho, marami ang lumala ang mga sakit dahil sa stress.
Hindi ba puwedeng “bawasan” ang stress habang nilalabanan ang COVID-19?
Mental stress ang isa sa pinakamabigat na pandemya!
◘◘◘
Aminado ang WHO—ang mayayamang bansa ang kumokorner ng supply ng COVID-19 vaccine.
Ano ang ibig sabihin?
Inutil ang WHO dahil hindi nila natutulungan ang nagdarahop na mga bansa tulad ng Pilipinas!
◘◘◘
Ganyan din sa giyera.
Naglilingkod ang WHO sa mga makapangyarihang mga bansa, pero hindi sa kanilang mga sinalakay na maliliit na bansa!
◘◘◘
Walang kakayahan ang WHO na ipaliwanag ang tunay na larawan ng pandemya.
Kakutsaba rin kasi sila ng mga multi-national drug corporation na magkakamal ng salapi sa pandemya.
Kaawa-awa ang mga dati nang nagdarahop—wala ni isang kakampi sa panahon ng delubyo!





Comments