top of page
SPECIAL ARTICLE - JOSHUA, BINURA ANG MGA POST NA MAKA-VP SARA, IN-UNFOLLOW DIN SA IG PATI

Tulad ni Joshua… SHUVEE, BINOYKOT DAHIL DDS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | July 22, 2026



BIDA - SHUVEE, BINOYKOT DAHIL DDS-FB Shuvee Etrata & IG _joshuagarciae

Photo: FB Shuvee Etrata & IG _joshuagarciae



Makaka-relate si Shuvee Etrata sa nangyayari ngayon kay Joshua Garcia na bina-bash dahil nalamang maka-DDS (Duterte diehard supporter). Katakut-takot din ang bashing na ginawa kay Shuvee, sa kanyang pamilya, at sa friend niyang si Kitty Duterte nang malamang DDS supporter siya.


Grabe ang nangyari sa aktres. She was cancelled, sinabihang wala nang career at ipina-boycott pa ang produktong ine-endorse niya, pati ang shows niya sa GMA-7. Nag-sorry si Shuvee at in-unfollow si Kitty sa Instagram (IG), pero hindi pa rin tumigil ang pamba-bash sa kanya.


Mabuti na lang at hindi siya tinanggal sa mga produktong ine-endorse niya at hindi rin siya binitawan ng GMA. May mga projects pa rin siya at kasalukuyang napapanood sa The Master Cutter (TMC). Kasama rin siya sa cast ng Code Grey (CG) with Alden Richards.


Si Joshua, bina-bash ngayon at nag-double trending pa sa X (dating Twitter) ang isang hashtag na nakasulat: Joshua Garcia Faces Backlash Over Duterte Ties on Social Media. Nag-post kasi si Joshua ng video tungkol sa impeachment ni Vice-President Sara Duterte.

Sa X, mababasa ang disappointment ng mga netizens kay Joshua at kahit in-unfollow nito ang IG nina VP Sara at Senator Alan Peter Cayetano, ayaw pa rin siyang tigilan ng mga netizens. 


Naalala pa na inendorso niya si Rep. Edwin Gardiola at ang dala nitong Construction Workers Solidarity Partylist.


Marami pa ring fans ni Joshua ang nakaiintindi sa kanya at nangakong hindi nila bibitawan ang suporta sa aktor. Ang payo nila, manahimik muna si Joshua at 'wag sagutin ang mga bashings sa kanya.





MAY appreciation post si Kylie Padilla para sa co-actor niya sa Taskforce Firewall (TF) na si Miguel Tanfelix. Sa post nito sa Instagram (IG), pinuri niya ang husay ng aktor.


“I always wanted to do a buddy cop project. I think we do it well. So cheers to my partner and bad cop to my good cop @migueltanfelix_. Husay mo,” sabi ni Kylie.

Sagot ni Miguel, “Cheers to us both, partner.”


Hindi magkatambal sa nasabing action series sina Kylie at Miguel, and yet, kinakitaan sila ng chemistry. May mga requests na nga sa GMA na bigyan ng next project ang dalawa at sana ay action din dahil bagay sa kanila. Nasabayan daw ni Miguel ang husay ni Kylie sa action.


Ang katambal ni Kylie sa series ay si Luis Hontiveros, na gumaganap na kanyang asawa, at ang nakakatuwa, tanggap ang tambalan nila. Marami sa mga viewers ang kinikilig sa mga eksena ng dalawa, kahit ang mga eksenang sila ay nag-aaway. After Ruru Madrid, kay Luis daw bumagay ipareha si Kylie.


And speaking of Kylie, mabuti at hindi siya ikinokonek ng mga netizens sa isyu ng ama niyang si Senator Robin Padilla. Dati, kapag may isyu kay Robin, pati si Kylie ay inaaway at bina-bash ng anti-Duterte supporters. 


Ngayon, tahimik ang IG feed ng aktres, walang hate comments, kaya malaya siyang nakakapag-post dahil alam niyang walang mamba-bash sa kanya.





NAG-PROMOTE si John Arcilla ng pelikulang Drug War: A Conspiracy of Silence (DWACOS). Ini-repost nito ang post ng Rein Entertainment at ipinakita ang poster kung saan makikita ang mukha ng aktor na si Ian Veneracion.


Aniya, “Malapit nang mabunyag ang lahat! Catch the official trailer premiere of the series Drug War: A Conspiracy of Silence this July 23. Watch the series premiere this July 30 on Rein Entertainment’s YouTube (YT) channel. Don’t miss this limited screening!”


Napanood namin ang pilot episode ng series sa direksiyon ni Shugo Praico at gugustuhin mong mapanood ito hanggang ending para malaman kung paano nagtapos ang story. Gugustuhin mo ring malaman kung ano ang nangyari sa mga karakter sa series na pawang mahuhusay.


Bukod kina Ian at John, kabilang pa sa cast sina Romnick Sarmenta, Yayo Aguila, Harvey Bautista, Jane Oineza, Joem Bascon, at Ryan Eigenmann. Kasama rin sina Art Acuña, Malou Crisologo, Gabby Padilla, Janus del Prado, at Lotlot de Leon.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page