top of page
Search
  • BULGAR

Tulad ng parents na sina Sen. Manny at Sen. Cynthia… CONGW. CAMILLE, GAME TUMAKBONG SENADOR

ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 30, 2024




File Photo
File photo: Congresswoman Camille Villar


Parang hindi anak ng richest businessman in the Philippines ang kaharap namin last Saturday sa luncheon get-together ni Las Piñas Congresswoman Camille Villar dahil sa pagiging sobrang simple nito at down-to-earth, na makikita sa kanyang kilos, pananamit at pagsasalita.


Hindi mo iisiping anak siya nina former Sen. Manny Villar at Sen. Cynthia Villar na kilalang-kilala sa real estate business at politics at sa kasimplehan niya, iisipin mo bang siya ang president and CEO ng AllValue Holdings Corporation, ang retail arm ng Villar Group of Companies na nagpapatakbo sa AllDay Supermarket, AllHome at Coffee Project?


Pero sa kabila ng busy sched ni Congw. Camille bilang public servant at businesswoman, priority pa rin daw niya ang kanyang family — ang two kids na sina Tristan at Cara at husband na si Atty. Erwin Genuino.


At mukhang nakulangan pa ang press sa mga duties ni Congw. Camille kaya natanong din siya kung may balak ba siyang sundan ang yapak ng mga magulang at tumakbo ring senador.


Dahil believer ng motto na: "Never say never" si Congw. Camille, aniya, 'di niya isinasara ang possibilities sa pagtakbong senador, pero sa ngayon, wala pa raw sa isip niya 'yun.


Ang focus niya ngayon ay matulungan ang mga journalists at ang local movie industry na makikinabang sa kanyang dalawang inihaing bills sa House of Representatives.


Ang mga nasabing bills na siya mismo ang author ay para sa karagdagang social safety nets para sa mga peryodista at seed fund na magbibigay sa local movie industry ng pondong pamprodyus ng world-class films.


Sa panukalang House Bill No. 6543, hangad ni Congw. Villar na bigyan ng "disability, health, and hospitalization benefits" ang mga practicing journalists.

Minamandato ng panukala ang Social Security System at ang Government Service Insurance System na lumikha ng special coverage para sa freelance journalists, lalo na sa mga naka-assign sa war zones, conflict-stricken areas, at calamity-affected places.


Ang House Resolution No. 451 naman ay magbibigay ng "seed fund o karagdagang pondo sa local movie industry para maengganyo ang mga filmmakers na makagawa ng quality films na puwedeng ilaban sa international arena.


Sa nasabing proposed legislation, bibigyan ng pamahalaan ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) ng pondong susuporta sa industry stakeholders para bumuo ng bagong marketing strategies para mas patindihin ang tsansa ng Pilipinas na muling kilalanin sa international film festivals.

Oh, 'di ba, winner!!!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page