top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tulad ng namatay na utol… ELIJAH, UMAMIN SA DEPRESYON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 9, 2023
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 9, 2023



Dahil sa viral TikTok video na ipinost ng netizen na si Paul Chester ay saka pa lang nalaman ng lahat na nailibing na si Jamile Matthew ‘JM’ Canlas nitong Linggo, Agosto 6.


Si JM ang bunsong kapatid ni Elijah Canlas na sumakabilang-buhay noong Huwebes, Agosto 3, dahil sa pinagdaanan nitong may kinalaman sa mental health.


Base sa TikTok video ay napanood kung gaano kasakit ang iyak ni Elijah nang magbigay siya ng mensahe para sa kapatid bago ilagak ang abo ng labi nito sa columbarium.



Ayon sa aktor, ang kanyang kapatid ay dumanas ng matinding depresyon.


“Magandang hapon po sa inyo, maraming salamat po ulit sa pagpunta dito at sa pagsama po sa amin, sa pakikiramay, maraming salamat po.


“Alam kong marami pong tanong, marami po tayong tanong kung bakit, kung paano, kung ano.


Pero gusto ko lang po ipaalam na he’s been battling with this for a while now and he fought a good fight. Malakas po si JM. Hanggang ngayon, malakas po siya, napakalakas na bata,” pahayag ni Elijah.


At dito ay inamin din niyang nakaranas din siya ng depresyon at ang bunsong kapatid ang karamay niya.


“Ako rin po, dumaan sa depresyon, nandiyan po siya para sa akin. He’s always there to make me laugh; he’s always there to cheer me up.


“Sabi nga po ni Daddy kanina, nakilala natin siya bilang masayahin, makulit, may facade na ewan. Pero mabigat na po talaga ‘yung kinakarga niya.


“Kaya kahit siya na po mismo nagsabi na, he would like all of us to find solace in the fact that he’s in peace right now. Kaya magpasalamat po tayo doon. Ipagdasal po natin si JM,” lumuluhang sabi ng aktor.


Ayon kay Elijah ay dapat bigyan ng importansiya ang mental health awareness.


“Alam ko rin po na marami ngang hindi naniniwala, maraming kumukuwestiyon kung ano po ba ang mental health. Kung totoo ba ‘yan na pinapagpag lang ‘yan, mag-joke lang or whatever, o itawa mo lang ‘yan. Hindi po siya ganu’n kasimple.


“Ako na po ang nagsasabi, matagal nga pong lumaban itong si JM. Sobrang tagal po niyang lumaban at ilang beses po namin siyang nailigtas.


“We got to talk about it, we were there for him, we would call, he would knock our doors, talk to his friends.


“Kaya hinihiling ko rin po na huwag po nating maliitin ‘yung sakit na ito. I-check po natin ‘yung isa’t isa, no matter what age, no matter what o kung ano man ‘yan. I-check po natin ang isa’t isa at maging mabuti po tayo sa isa’t isa.


“Si JM, ayaw po niya na napagsasabihan, eh, very short po ‘yung patience niya. Ayaw po niyang napagsasabihan, ayaw po niya ng away.


“Gusto po niya lagi na masaya. Kaya gusto rin po naming i-celebrate ‘yung buhay niya. I-celebrate po natin ‘yung buhay niya, ipagdasal po natin siya.


“Alam ko pong masaya siya na nandito tayong lahat,” saka humagulgol na nang todo ang aktor at yumakap na sa kanyang ama.


Ni-research namin ang programang nilabasan ni JM noong bata pa siya, ang Team Yey Channel ng Kapamilya Network at nakasama niya sina Xia Vigor, Sam Shoaf (pamangkin ni Jeffrey Hidalgo), Althea Rueda, Jana Agoncillo, Noel Comia, Jr. at marami pang iba.


Bata pa lang ay nakitaan na ng husay si JM at bibo talaga at komedyante rin. Siya pala ‘yung batang makulit noon na pinaka-lider ng grupo.


Muli ang aming pakikiramay sa pamilya Canlas sa pagkawala ng kanilang bunsong anak at kapatid.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page